-23-

1K 34 12
                                    

Sana's PoV

Paggising ko, hindi parin magaan ang loob ko sa ramdam kong pagod.

Hindi parin magaan ang loob ko dahil alam kong wala na talaga si Dahyun sa akin.

Nakita ko ang mga paperworks ko sa side table pero sa pagkakaalam ko nakakalat 'to kanina.

Binalewala ko na lang dahil lang siguro sa pagod at hindi na ko aware sa kung anu-anong pinaggagagawa ko.

Tama lang naman siguro ang ginagawa ko? Ang lunurin ang sarili ko sa trabaho, sa lahat ng pwedeng pagkaabalahan para hindi ako mawala sa control na baka mayakap ko si Dahyun bigla pag nakakaharap ko siya.

Tumayo ako, para dumiretso ng higa sa kama ko.

Palagay ko lahat sila nagpapahinga dahil 7am na kaming nakauwi dahil sa shooting at rehersals namin para sa incoming events.

Pero ako imbes na magpahinga pag uwi, hinarap ko ang paperworks na pinadala ni Lolo.

Ang galing ni Lolo eh, kahit na nasa SoKor na ko hinahabol parin ako ng mga paperworks na pinagagawa niya.

Days had passed. 2 weeks na mula ng makabalik ako. Patuloy ang trabaho ng Twice bilang grupo.

Habang ako, kapag oras na ng pahinga kaharap ko ang mga paperworks na binibigay sa akin ng lolo ko sa araw araw. Pagkatapos ipapakuha ko sa buttler ko na nakastand by somewhere here in Seoul para ipadala sa Japan.

I was been so busy, pero ayos narin kahit na broken hearted atleast kahit paano may mapagkakaabalahan.

"Office na ba ang kwarto ninyo dito unnie?" biglang pumasok si Tzuyu sa kwarto ko.

Nilingon ko naman siya at tinanggal ang salamin na suot ko.

Nagkalat kase sa carpeted floor ang mga pinipirmahan kong paperworks.

"Mukha na bang office Chewy?" bahagya ko siyang nginitian.

"Oo, tama nga yung sabi sa akin ni Minari-unnie iba na daw ang itsura ng netong kwarto niyo." sabi niya at umupo sa tabi ko. "Alam mo bitawan mo muna yan." sabi niya tsaka kinuha ang pen sa kamay ko. "Pahinga muna. Halatang lagi kang puyat at walang pahinga anong akala mo sa sarili mo si Superman? Unnie, maraming nag aalala sayo di lang nila sinasabi. Kasama ka nga namin dito pero di gaya ng dati daig pa ang mute dahil hindi ka naman na nagsasalita." mahabang sabi niya sa akin.

Sumandal na lang ako sa balikat niya.

"Ito lang kase ang alam kong paraan para makalimutan yung sakit na nararamdaman ko. Hindi naman ako pwedeng magbisyo dahil hindi yun ang paniguradong solusyon sa problema ko." litanya ko naman. Hinawakan niya naman yung kamay ko, yung may singsing to be exact.

"Unnie, umamin ka nga sa akin. Para saan yang singsing na yan?" seryosong tanong niya sa akin. Natulala ako, hindi ko alam ang isasagot ko. "Engagement ring? Tama ba?" tanong nanaman niya. Dahan dahan akong tumango. "Unnie, bakit? Bakit nalingat lang kami engage kana?" nangilid ang luha sa mga mata ni Chewy nakita ko yung lungkot,awa at pag aalala sa mga mata niya.

"It's not what I want. It's them, my parents and grandpa... Arrange marriage, Yoda..." bulong ko sa kanya.

"Bakit parang pinaglalaruan tayo ng tadhana unnie? Bakit kailangan mangyare 'to? Tama ba ang hinala kong si Sinb unnie ang na-engage sayo? Nakita ko kase yung kamay niya nung nasa ospital at kapareho nung singsing na suot niya yang sayo." ramdam ko yung lungkot sa tono niya. Tinignan ko siya sa mga mata niya.

"Siya nga. Isa siya sa nadamay sa kahibangang gawa ng pamilya ko." sabi ko sa kanya, at dahil dun naging dahilan nanaman ng pagbagsak ng mga luhang sinubukan kong ikulong ng dalawang linggo.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon