-03-

1.6K 47 18
                                    

Dahyun's PoV

Pagbalik namin galing mall, todo kapit lang si Momo sa akin. Wala eh haha ganyan naman talaga sobrang clingy.

Nasa dorm narin naman kami, nagkukwentuhan with the whole group except Sana na nasa kwarto pa, hindi ko naman siya maicheck coz' di ko maiwan si Momo.

"Nalamon ng katakawan so nagstay sa restau? Ayos ka momoring!" pang aasar ni Jungyeon-unnie.

"Che! Parang di kayo sanay sa pagiging eating monster ko ah?" nakapout na sabi netong katabi ko nakaakbay pa nga sa akin eh.

"Nga pala my dance practice tayo bukas! After that may event pa tayo team pagod for tomorrow!" sabi ni Nayeon-unnie.

"Oo nga noh? Grabe ang boring kapag walang event tas pag may event naman para tayong to-torture-in." sabi naman ni Jihyo-unnie.

"Kaya magpahinga kayo mamaya walang magpupuyat." sabi ni Mina-unnie at tinignan pa kaming mga nasa maknae line lalo na si Chaeng.

"Grabe ang talas ng tingin sa akin ah?" kumento ni Chaeng.

"Wew. Eh ikaw lang naman ang malakas magpuyat kakacellphone mo eh." nakakalokong biro ni Chewy.

"Nga pala Chewy, kamusta si Squirrel?" tanong ko naman kay Tzuyu.

"Pagaling na siya Unnie. Bumaba na yung lagnat niya kesa kanina. Nakuha pa ngang magdeliryo hinahanap ka. Pumalo kaya ng 40° lagnat niya kanina." kwento naman ng maknae namin.

Naalarma ako ng konti, pero gaya ng sabi ni Chewy na nagiging ok na siya nakahinga ako ng maluwag.

"Aw? Kawawa naman si Sexy." sabi naman ni Momo. "May gamot pa siya?" tanong pa nito.

"Naubos na nga kanina eh. Di ako makaalis kase wala siyang kasama dito." sabi naman ni Tzuyu.

"Pupunta kaming Market ni Bunny mamaya bibilhan na lang namin siya ng gamot." sabi naman ni Jihyo-unnie.

"Buti pa nga unnie. Sinilip ko sa kwarto si Sana-unnie kanikanina lang ang bigat ng aura di ako sanay ah?" parang ewan na explain ni Chaeng.

"You know what? Ngayon ko lang ulit nakitang nagkasakit yang si Sana sa almost two years nating pagsasama." sabi naman ni Jungyeon-unnie.

"Hindi naman kase siya sakitin. Kaya nga lang pag nagkasakit grabe." sabi naman ni Momo.

"Puntahan ko lang si Squirrel sa taas." paalam ni Jihyo-unnie na sinundan ni Nayeon-unnie na tinanguan lang namin.

"Naaalarma talaga ang dalawang elder natin pag may isang may sakit sa atin." naiiling na sabi ni Mina-unnie.

"Mas malala ang pag-aalala nila ngayon kase si Sana yun. Kapag kase siya malala ang pagtama ng sakit sa kanya kapag nagkasakit siya." sabi naman ni Jungyeon-unnie.

"May sched pa naman tayo bukas. Sana tuluyan na siyang gumaling." sabi naman ni Chewy.

"Sus yun? Gagaling talaga yun. Parang di niyo kilala yun gagawin lahat gumaling lang agad." sabi naman ni Momo. "Diba Dubu?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Yun pa?" nakangiting sabi ko kahit na di parin maiwasang nag-aalala ako.

Puro daldalan at riot lang ang kagagawan sa sala and hanggang ngayon umaandar parin ang pagiging clingy ni Momo.

"Moguri? Nahiya naman ang Sana snake natin kakakapit mo kay Dubu ha?" sita ni Jungyeon-unnie.

"Kanina ka pa ah? Ako na lang laging nakikita?" nakakalokong sagot ni Momo.

"Pasalamat ka nga nakikita ka eh." kumento ni Chewy.

"Yan! Dyan kayo magaling usapang height mga letche!" sita ni Chaeng.

Halata kaseng ganyan pag sumingit na si Tzuyu sa kawalangyaan ng mga 'to quick change lalo na pagdating sa height at age.

"Palibhasa kapre." kumento ni Moguri.

"Lol. Hahaha. Atleast hindi pandak." ayan na umaarangkada ang maknae namin.

"Hoy! Ayusin niyo nga! Usapang height nanaman kayo." singit ko sa kanila.

"Everyone! Pack up! Sleep na kayo! Maaga ang alis natin bukas!" biglang sumigaw si Jihyo-unnie galing sa taas. Gabi narin pala.

"Grabe lumalamon ata ng megaphone yun eh." natatawang sabi ni Mina-unnie.

"Minariiii! I heard you!" narinig pa niya yun? Grabe naman yung leader namin. Abnormalan ang labanan.

"Good night dubu!" sabi sa akin ni Momo tsaka ako hinalikan sa pisngi.

"Night Momoring." sagot ko tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

Sabay kaming umakyat nila Chewy at Chaeng sa mga kwarto namin.

Si Chaeng hawak nanaman yung phone niya. Yung si Chewy knock out na.

"Chaeng, matulog kana oy." sabi ko sa kanya.

"Wait unnie. Tapusin ko lang 'to." sagot naman niya at hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin.

Bahala na nga siya haha. Kumuha na lang ako ng dalawang bars ng chocolate sa closet ko.

Adik ako sa chocolate madalas bago ako matulog nilalantakan ko muna yung chocolate.

"Unnie? Hindi ba sumasakit yang ngipin mo kakachocolate mo?" pag-istorbo sa akin ni Chaeng habang kumakain.

"Hindi naman. Nagtotoothbrush naman ako lagi eh." sabi ko sa kanya.

"Penge nga ko!" sabi niya.

"Kuha ka sa closet ko." sagot ko sa kanya. Marami naman yun eh isang box haha. Si Sana-unnie bumili nun eh.

Omoooo... Sana-unnie!? Nakalimutan ko siyang kamustahin anak ng agila naman oh.

"Oy Chaeng kamusta si Sana?" tanong ko.

"Hindi mo ba pinuntahan kaninang pagdating mo? Hinahanap ka kaya niya sa akin. Sabi ko nasa baba kasama mo si Momo-unnie." kwento niya.

"Nawala sa isip ko. Si Momo kase grabe ang kapit tas nagkukulitan pa tayo." sagot ko naman.

"Kawawang Squirrel. Lam mo namang ikaw ang medicine nun eh. Buti pa si Chewy at si Mina-unnie naalala siyang kamustahin." pangongonsensya ng lintik na smurf na 'to.

"Hays. Kaasar naman." nasabi ko na lang.

"Sleep na tayo." yaya niya sa akin habang umiinom siya ng bottled water. Tumango ako tsaka tumayo. "Hoy san punta?" puna nanaman niya.

"Sa kitchen kukuha ng water. Sleep ka na, night smurf!" nakangiting sabi ko sa kanya.

Bumaba ako tsaka dumiretso sa kitchen. Teka bat bukas yung ilaw dito? Dumiretso ako sa ref di ko naman napansin na may nakaupo sa dining table.

"Dubu..." tawag niya sa akin. Si Sana pala akala ko kung sino.

"Squirrel." nakangiting sabi ko tsaka ko kinuha yung pitcher sa ref tsaka humatak ng isang baso.

"Bakit gising ka pa?" tanong niya.

"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko eh." sabi ko naman sa kanya. "Hindi ba may sakit ka?" tanong ko pa.

"Hmm okay na naman ako. Gumawa lang ako ng hot choco." sabi naman niya sa akin. "Bakit di  kana bumalik kanina?" malumanay na tanong niya.

"Ah eh... Kasama ko kase si..." pinutol niya yung sasabihin ko.

"Si Momo? Haha." nakangiting sabi niya. Naguguilty ako kase nakalimutan ko siya.

"Sorry, Sana..." sabi ko sa kanya.

"Ayos lang. Ideal type mo yun eh. Haha." nakangiting sabi niya pero alam kong peke yun eh. "Akyat na ko. Ikaw din akyat ka na after mo diyan." sabi niya sa akin tsaka tumalikod palayo. She left me dumbfouded.

Arghhhh naiinis ako sa sarili ko!

-----------------

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon