-33-

893 27 4
                                    

Sana's PoV

Ngayon ang event naming J-Trinity para sa mga bata. It's a charity game, project namin nila Mina at Momo.

Pinatayo namin yun together with the Kang and Bae Family. Gusto naming makatulong sa mga bata dito sa Korea na gustong matutong sumayaw o di kaya kumanta.

"Darating ba sila Seulgi at Irene unnie?" tanong ni Momo. Tama si Seulgi at Irene unnie ng Red Velvet sila ang tinutukoy naming kasama dito.

"Oo naman. Lagi naman andito yung mga yun kapag may event." sagot sa kanya ni Mina.

"Asikasuhin niyo muna yang mga bata kesa magkwentuhan kayo dyan." sabi ko sa kanila.

Tumango naman sila at nakipaglaro sa mga bata dahil fun time ngayon noh alangan namang pasayawin at pakantahin nanaman namin.

Naalala ko naman bigla si Dahyun. Ayaw niya talagang lumayo sa akin, gusto niya pa ngang sumama sa akin eh. Kung wala lang siyang rehersals baka hindi na ko nakatanggi na isama siya sa akin.

Nagulat naman ako ng magvibrate yung phone ko. Tumatawag pala si Jihyo unnie.

Jihyo-unnie Calling...

"Yes unnie?" bungad ko.

"Hello, Sana. Saan daw yung event niyo sabi ni Dahyun?" tanong niya.

"Kang Reception Event Hall, ground floor." sagot ko.

"Pupunta kami dyan mamayang 3pm, pagkatapos nila Dahyun sa rehersals nila." sabi niya.

"Bakit unnie?" tanong ko.

"Paano ba naman 'tong girlfriend mo hindi na makatiis, pupuntahan ka daw pagkatapos ng rehersals nila." sagot niya sa akin.

"Sige unnie wait ko kayo."

End Convo...

Nagpunta ako sa 3rd floor tsaka nagstay sa isang veranda. Ang presko rin dito eh. Ang ganda ng lugar, dadalhin ko si Dahyun dito I'm sure magugustuhan niya dito.

"Hindi ka parin pala tumigil sa pagtulong mo."  nagulat ako ng taong may nagsalita mula sa likod ko.

Boses palang kilalang kilala ko na. Nabalot bigla ng pag aalala ang buong pagkatao ko.

"Lolo..." mahina kong sabi kasabay ng pagsara ng kamao ko. "Anong ginagawa niyo dito?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Ano bang masama na kamustahin ka, Sana?" nakasmirk niyang sabi.

"Ang nandito ka Lo, masama na yun." matapang kong sagot.

"Yan ba, Sana ang natutunan mo sa kinalolokohan mong babae ang sagut-sagutin ako?" maautoridad niyang sabi.

"Bukod sa magmahal at magpahalaga wala ng itinuro sa akin si Dahyun." katwiran ko at sinamaan ko siya ng tingin. "Kaya ko ginagawa yan sayo, Lo. Dahil yun ang deserve mo." I continued.

"Talaga lang, Sana ha?" malamig na sabi niya. "Kung yan ang gusto mo ibibigay ko rin ang deserve mo." he warned.

"What are you going to do now, Lo?" tanong ko sa kanya.

"Sasama ka o papatayin ko si Dahyun?" tanong niya. Kaya halos mapugto ang hininga ko. Dahil kapag sinabi ni Lolo gagawin niya.

Tanging iling ang naisagot ko, ngumisi siya at muling nagsalita.

"You made your choice. Kukunin na kita." yun ang narinig kong sagot niya ng may lumapit sa aking nakablacksuit na dalawang lalaki at naramdaman ko na lang na nawalan ako ng may.

Oh God, what the hell is happening.

Momo's PoV

Ilang oras na ang nakalipas pero hindi ko alam kung nasaang lupalop nagtungo si Sana.

Saang sulok nanaman kaya ng mundo nag-emote ang bwisit na yun?

Ang daming kaartehan sa buhay, iiwan iwan kami bigla, tsk. Bigla nanamang nawawala.

"Moguri, si Sana asan na? Paparating na dito sila Dahyun." alalang sabi ni Mina.

"Hindi maganda ang kutob ko, Mina." I honestly answered.

"Tawagan mo nga." sabi naman ni Mina.

Nakailang call na ko, cannot be reach.

"Walang sumasagot nakapatay yung phone niya." iritableng sagot ko.

Maya maya pa biglang dumating yung co-members namin.

Agad akong sinalubong at niyakap ni Dahyun.

"Momoring, si Sana nasaan?" tanong niya pero wala akong maisagot. Yan na nga bang sinasabi ko.

"Honestly we don't know where she is." biglang sabi ni Seulgi unnie na kararating lang kasunod si Irene unnie.

"Hindi na maganda yung kutob ko." sabi bigla ni Chewy.

"Tara girls, hanapin natin siya dito sa paligid ng reception." sabi ni Nayeon unnie. Agad naman silang sumunod, sila Dahyun, Jihyo unnie,Mina,Seulgi unnie,Irene unnie at ako na lang naiwan dito.

"Momo, hindi ako mapalagay sa nangyayare." sabi ni Dahyun na paikot ikot na lang ng lakad. Nag aalala talaga siya.

"Ipapacheck ko muna sa guard yung log book." sabi naman ni Seulgi unnie tsaka tinapik sa balikat si Dahyun, kaya tumango lang si Dahyun.

Nilapitan ko si Dahyun at niyakap.

"Chill, Dahyun. Paniwalaan mong andito lang siya sa area na 'to." pag aalo ko sa kanya.

"Momo, hindi ako mapalagay neto." ramdam kong paiyak na siya.

"Momo,Dahyun,Mina,Jihyo hindi kayo matutuwa sa sasabihin ko." napalingon naman kami dahil nandito na si Seulgi unnie. "Mr. Hideo Minatozaki came here at kanina pang 1pm nag out." anunsyo ni Seulgi unnie.

"Malakas ang kutob ko na sumama sa kanya si Sana." sabi bigla ni Mina.

"Kinuha. Hindi sumama. Alam nating kung gaano kaayaw ni Sana kay Mr. Minatozaki dahil pinaglalayo sila ni Dahyun." sabi ni Jihyo unnie.

Dun ko nakitang tuluyan ng humagulgol sa balikat ako si Dahyun. Hinayaan ko lang siyang umiyak at hinaplos ang likuran niya.

"Baka may mangyareng masama sa kanya." sabi ni Mina.

"Lolo yun ni Sana. Pamilya parin sila siguro naman hindi niya sasaktan si Sana." sabi naman ni Irene unnie.

"Magaspang pa sa bato ang ugali ng lolo niya. Hindi na ko magtataka kung masaktan niya si Sana." seryosong sabi ni Mina.

"Uyy Mina, wag ka namang magsalita ng ganyan." sabi ko sa kanya.

"Posibilidad yun. At wala tayong magagawa baka sakaling ganun nga ang mangyare." sabi ni Jihyo unnie.

Uulit nanaman ba? Wala pang isang buwan na nandito siya kasama namin. Ilalayo nanaman ba siya sa amin?

"She's not here anymore." biglang sabi nila Nayeon unnie na kararating lang.

"Kinidnap siya ng lolo niya..." umiiyak na sabi ni Dahyun.

"Magiging risky, paano natin masasabing kidnapping, Lolo niya yun." sabi ni Jungyeon.

"Ang management kaya natin may magagawa para mahanap siya?" tanong ni Tzuyu.

"Right idea, Tzu. Sa ngayon let's go back to our dorm. Magpahinga na muna tayo. Lalo kana Dahyun." sabi ni Jihyo unnie.

"Seulgi unnie, Irene unnie kayo ng bahala muna dito, Sorry." hingi ko ng pasensya sa SeulRene.

"Ayos lang. Ang mahalaga mahanap niyo si Sana." sagot ni Irene unnie na sinang ayunan ni Seulgi unnie.

Wag naman sanang ganito. Kapag nawala pa siya, wala ng kasiguraduhang ibabalik siya. At siguradong hindi kakayanin yun ni Dahyun.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon