-40-

1.3K 39 37
                                    

Dahyun's PoV

Dahil kay Dana nalaman kong may anak na si Sana. Na si Sana yung magulang niya.

Pamilyado na siya, bumalik nga may pamilya na. Ang sakit parin pala, kapag harap harapan ng ipamumukha sayo na hindi na pwede.

Mahal ko parin siya, sobrang mahal na mahal ko parin siya. Siya at siya lang mamahalin hanggat nag i-exist ang pagkatao ko.

Dahil kung hindi nabuhay si Minatozaki Sana sa mundo baka malamang walang Kim Dahyun dito.

Akala ko hindi ko na makikita pa si Sana. Akala ko sa panaginip ko nalang ulit siya makikita. Ngayong nakita ko siya walang nagbago sa itsura niya siya parin si Sana na mahal ko noon at hindi na sa akin ngayon.

Paulit ulit nanaman akong pinatay ngayong araw na 'to. Akala ko okay na ko. Akala ko ayos na ko pero presence palang niya napakalaki na ng epekto.

Tinungo ko ang cliff kung saan ko siya naabutan noon na muntik ng tumalon.

Kung saan inamin namin sa isa't isa kung gaano kami nagmamahalan.

Kung saan sinabi kong hindi ko kakayaning mawala siya sa akin.

Kung saan nagmakaawa ako sa kanya na wag niyo kong iiwan sa unang pagkakataon.

Isang napakahalagang lugar na kailanman pareho na naming hindi nabalikan dahil napaglipasan na ng panahon.

Parang kailan lang dinala niya ko dito na sobrang takot na takot ako dahil sa sobrang taas.

Parang kailan lang nagkaaminan kami dito ng totoong nararamdaman namin sa isa't isa.

At ito na nga ngayon ako nalang mag isa. Kailanman ay hindi ko na siya makakasama gaya ng dati, na mahal ko siya at mahal niya ko.

"Natuto kang mag walk out ah?" nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko.

Yung boses na yun. Kilalang kilala ko yung boses na yun.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na sabi ko.

"Wala. Masama bang pumunta dito? Sayo ba 'tong lugar na 'to?" pamimilosopo niya.

"Tigilan mo nga ko, Sana. Hindi ako nakikipagbiruan sayo." inis na sabi ko sa kanya. Oo, guys si Sana ang letcheng nasa harapan ko ngayon.

"Hindi rin naman ako nakikibiruan sayo, Dahyun." seryosong sabi niya.

"Tss. Tigilan mo ko. Aalis na lang ako." tsaka ako naglakad palayo pero bago ko pa siya malagpasan hinila niya ko sa yakap niya.

"Hinanap kita tapos aalis ka lang? Hindi ako papayag." bulong niya sa akin.

"Ano ba, Sana!? Tigilan mo nga ko!" galit na sabi ko at nagpumiglas sa kanya. Binitawan naman niya ko.

"Alam ko galit ka. Galit na galit ka kase alam mong iniwan kita apat na taon na ang lumipas. Pero sana alam mo, na para rin yun sayo." litanya niya.

"Anong rason mo!? Na hindi mo ko kayang ipaglaban? Na natakot kang mawalan ng mana kaya iniwan mo nanaman ko?!" puno ng hinanakit na sabi ko.

Kasabay nun biglang nagsimulang pumatak ang ulan na tila nakikisabay sa kalagayan namin ngayon.

"No. Hindi yun ang rason ko. Akala mo ba nagpakasaya ako nung umalis ako? Hindi! Kase nakulong ako. Nakulong ako sa lolo ko ng halos isang taon. Pinabugbog, ikunulong sinaktan ako dun kase ayaw kong sumunod sa gusto niya. Halos mamatay ako, I manage to contact Tzuyu and Momo just to make you believe that I left you." umiiyak na siya kaya nakinig nalang ako sa sinasabi niya. "Masakit sa kalooban kong gawin yun, kaso wala! Akala ko dun na ko mamamatay. Kaya ng makatakas ako, dala ko ang tibay ng loob para sayo kase gusto kitang balikan kase mahal na mahal kita." pagpapatuloy niya.

Nag-umpisang lumakas ang pagbuhos ng ulan ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

"Pero hindi ka bumalik agad! Sa bawat araw na wala ka. Parang araw araw na rin akong pinapatay, Sana!" sigaw ko.

"Dahil hindi madali! Ipapahanap at ipapahanap ako ni Lolo kase nga tumakas lang ako. Kaya pinili wag na munang bumalik kase ayokong madamay ka. Ayoko na pati buhay mo sirain niya! Ganun kita kamahal na kahit sobrang hirap sa akin, pipiliin ko parin ang ikabubuti mo. Kahit na ang kapalit nito ay ang iwan ka, kahit masakit sa kalooban ko." sagot niya at kinulong niya ko sa bisig niya. Sa pagkakataong iyon niyakap ko siya pabalik.

Basa na kami. Basang basa sa ulan pero hindi namin iniintindi. Dahil ang mahalaga ngayon, ay ang pag uusap na inaasahan kong makakapag intindi sa akin.

Pareho na kaming umiiyak. Pareho na kaming bumigay. Mahal na mahal ko si Sana, at ngayon sa ikatlong pagkakataon ako nanaman pala ang inalala niya.

"Paano ipapaliwanag na may anak kana?" nanghihinang tanong ko.

"Dana is just an adopted daughter. Dahyun sakanya ko tinuon ang lahat ng pagmamahal dahil sa pangungulila ko sayo. Siya ang nagbigay ng pag asa sa akin na maghintay ng tamang panahon para sa ating dalawa." paliwanag niya habang tuluy tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata niya.

Kita ko yun kahit basang basa na ng ulan ang mukha niya.

Kaya pala pareho sila ng aura ni Dana. Kaya pala nasa kanya yung panyo ni Sana.

After all that kid, made this woman infront of me to be strong and to be patient of waiting for our right time.

Kaya pala gusto ko rin siyang maging anak at magaan ang loob ko sa kanya. Dahil si Sana ang nagpalaki sa kanya.

"Pakinggan mo naman ako oh? Maniwala ka naman sa akin. Mahal na mahal kita. Tama na yung apat na taon na pinaglayo tayo ng tadhana. Ngayon, pwede na. Kaya sana hayaan mo kong bawiin ka. Hayaan mo kong angkinin ka ng wala kahit sinong hahadlang." pagmamakaawa niya at humiwalay sa yakap ko.

"Apat na taon kang kinuha sa akin. Apat na taon akong patay sa pag-alis mo. Sinubukan kong kalimutan ka, pero wala. Ikaw at ikaw parin ang mahal ng makulit kong puso. Kaya kahit gaano kasakit ang naging dulot mo noon, hindi maitatanggi na mahal na mahal parin kita hanggang ngayon." umiiyak na sabi ko.

Imbis na magsalita siya, bigla niya kong hinalikan. Halik na akala ko hindi ko na ulit mararamdaman.

Apat na taon narin ang lumipas hindi nawawala ang magic na nararamdaman ko sa tuwing hinahalikan niya ko.

"Are you giving me a chance?" she asked after the kiss. Kasalukuyang nakapatong ang noo niya  sa noo ko.

"Yes. I'm ready to give us a try, Sana. And this time stronger than before." I answered sweetly.

"I love you so much Kim Dahyun. And I know that we're here now on the perfect side of love."

-------

The End...

Charot lang! Hahaha. Practice lang. May ilang chapter pa po hahaha. Oh ano? SaiDa Shippers magbunyi! Yieeeeee.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon