-12-

1.1K 36 12
                                    

The night before the flight.

Sana's PoV

I was looking at her... She looks so pale... Coz' this will be the last night that she will be with me...

She's here already asleep. She just stop crying a while ago.

This girl is my weakness and leaving her is really a torture.

God knows how much I wanted to stay but I can't.

"Seems like tinulugan ka na niya?" tanong ni Minari nandito kase kami sa room namin tsaka sa kama ko nakahiga si Dahyun.

"Oo nga eh. Namamaga pa yung mata niya." sabi ko naman.

"Alam mo ba kagabi habang tulog ka na gising pa yan. Grabe yung tingin niya sayo. Malungkot siyang aalis ka." sabi ni Minari.

"Halata namang malungkot siya. At naiinis ako na wala akong magawa." sagot ko tsaka ko hinawi yung buhok ni Dahyun na tumatakip sa mukha niya.

"Gusto nga daw niyang patigilin yun oras eh." sabi ni Mina. "Kagabi pa na kulang nalang wag siyang matulog. I guess 4am na yata nung matulog siya nalingap ako saktong pahiga na siya ng tuluyan sa tabi mo." ang daldal ni Minari ngayon.

Napatingin naman ako sa kanya, nakita ko yung lungkot kahit tulog siya.

"You should go to sleep Sana." sabi naman ni Mina, na nasa kama na rin niya.

"Okay lang. Ayoko muna. Ako naman ang magbabantay sa kanya." sagot ko.

"Okay. Good night." sabi niya at tinanguan ko lang.

Marami na kaming pinagdaanan ni Dahyun.

Maraming beses na pagluha na ang inilabas ko.

Ganito pala pag nagmahal ka.

Akala ko naman, madali lang.

Akala ko naman, walang hahadlang na tao o sitwasyon.

Pero.. Mali pala ako.

Love has a sides.

May corners na nagsisilbing mga taong nasa pagitan nito.

May edges na nagsisilbing haligi ng lahat.

At may point, na magpapamukha sayong hanggang dun na lang.

Hindi ganun kadali kung anong side ng love ang napunta sayo.

One sided love.

Each others' love.

Or not meant to love.

I know mahal niya ko.

I know kase niligtas niya ko.

Hindi naman siguro siya magkakaganito kundi niya ko mahal eh.

Ako nakita ko na ang sides of love.

Uri ng pagmamahal na masasaktan ka sa una, pero atleast kahit ganun alam mong ikaw at siya lang.

Pero bakit naman ganun? Pati ba naman sa mismong pagpaparanas sa akin ng good side ng love may kasunod agad na problema?

Hindi na tao ang kaagaw ko ngayon sa kanya.

Ang sitwasyon na mismo ang kalaban ko.

Pero maniniwala akong love will always win.

Sana tama yung sinasabi nilang, kapag kayo ang para sa isa't isa pero nasa maling oras you have to wait for the right time.

Kung kayo ang para sa isa't isa tadhana na mismo ang magdadala sa inyong dalawa.

Hindi ko alam kung siya na ba ang para sa akin, pero asang asa ako na sana siya na nga.

Sana mahintay niya ko.

At kung hindi man, I will be fair at all.

Kahit masakit wala akong magagawa kung ang tadhana ang kalaban ko.

But my love for her will never fade.

I was afraid imagining her without me.

I was afraid that I'm not the one that she love.

And all those doubts been faded because I trust her.

I should hold on to her love.

My phone alarmed giving me a note.

4:00am, Flight Day.
Note : Prepare yourself, you have to leave.

Right, hindi ako natulog at sa bilis ng oras inabot ako ng madaling araw kakatitig at kakaisip sa kanya.

Matagal tagal ko ding hindi masisilayan at mahahawakan yung mukha niya, ano ba namang sulitin hindi ba?

Tumayo ako para kunin yung letter na hinanda ko kung sakaling mangyare ang hindi ko kailanman gustong mangyare.

Bumaba ako para puntahan ang taong pagbibilinan ko nito at saktong nasa kusina na siya.

"Oh? Sana-chan ang aga mong nagising? Mamaya pa flight mo ah?" gulat na tanong niya.

"I never sleep yet." I said honestly.

"Waeyo? Paano ka niyan? Siguradong bagsak ka mamaya dahil doble ang pagod mo." naiiling na sabi ni Jihyo unnie.

"Last narin naman bat di pa sulitin at sagarin. Unnie I want you to keep this letter for me. At kapag hindi niyo na ko macontact ibigay mo kay Dahyun." I smiled bitterly.

"May balak ka palang wag ng bumalik?" malungkot na sabi niya.

"Hindi naman plano unnie eh. Naniniguro lang ako. Hinahanda ko ang sarili ko sa pangyayaring walang kasiguraduhan." nakangiting sabi ko pero may lungkot yun. Inabot ko na sa kanya yung letter.

"You know what? Mamimiss kita ng sobra. Wala na kase akong tagatulak ng wheel chair kapag nainjured nanaman ako. Isa ka sa pinakatinuturing kong kapatid ko Sana and I hope na sana pilitin mong bumalik sa amin." nakangiting sabi niya. "Mahirap ng walang 'shy shy shy~' dito." dagdag pa niya na ikinatawa ko.

"Thank you for this. For being my family." nakangiting sabi ko. "I can't promise but I hope makabalik ako agad." dagdag ko pa.

"Balikan mo yung agila mo dito. Unti unti na nga rin siyang nalulungkot mula ng malaman niyang aalis ka." sabi ni Jihyo-unnie at tinap yung shoulder ko. "Balik kana sa taas, take a rest kahit kalahating oras lang para makalma yang pagod mo." sabi niya pa.

"Sige unnie. Aakyat muna ko." sabi ko sa kanya tsaka kumuha ng malamig na tubig na maiinom bago ako tuluyang bumalik sa kwarto namin.

Tinignan ko yung maletang dadalhin ko.

Wala ng atrasan 'to, kailangan ko na talagang umalis.

Humiga ako sa tabi ni Dahyun, pumikit ako sa halos kalahating oras kahit papaano eh nakaiglip ako.

Sa pagkakataong to sobrang halaga ng oras para sa akin.

Bawat segundo ngayon ay pinanghihinayangan ko.

Dahil pagkatapos nito, there's no turning back.

Kailangan kong magtiis ng dalawang buwan o higit pa ng malayo sa kanila, sa kanya.

I will never regret that I loved you Dahyun even if the world is against us.

Even if I don't have a right to own you, but your love for me is more than enough.

Hindi kita pababayaan kahit malayo ako.

Kahit wala ako alam kong may poprotekta sayo.

At sana lumaban ka para sa akin, gaya ng sabi ko hahayaan kitang mapamahal sa kung sino man kahit wala ako.

Kahit masakit kakayanin ko kung mangyari man.

Dahil una sa lahat alam kong kasalanan ko.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon