-13-

1K 37 23
                                    

Sana's PoV

5pm, Flight Day

Napabuntong hininga na lang ako. Madali akong nag ayos ng sarili ko.

Ready na lahat ayos na. Wala ng atrasan.

Sinuot ko yung silver na relo ko. Nakasuot ako ng jeans tsaka long sleeves na checkered. Kinuha ko yung jacket ko na may hoodie susuotin ko 'to mamay sa airport.

Nilingon ko si Dahyun, mahimbing pa ang tulog niya.

"Oh? Sana-unnie bakit hindi mo pa gisingin yan?" biglang pumasok si Chaeng kasama si Tzuyu sa kwarto ko.

"Oo nga unnie." pag agree ni Chewy.

"Wag na. Hayaan niyo siyang magpahinga." sabi ko. Ayoko ng gisingin siya baka di ko na kayaning umalis pa.

"'Kay, tara na unnie. Nasa van na sila. Si Nayeon-unnie maiiwan para kung sakaling ipatawag tayo may mag-eexplain kaagad dito." sabi ni Chewy. Tumango naman ako at pilit na ngumiti.

Nauna na silang lumabas.

This is it Dubu, pansamantala akong malalayo sayo. Mahal na mahal kita.

Hinalikan ko siya sa noo tsaka ko kinumutan.

Iniwan ko sa kanya si Charmander na binigay niya sa akin nun para siya muna yung kayakap niya habang wala ako.

Tumayo na ko tsaka hinila palabas yung maleta ko. Tinulungan ako ni Jungyeon unnie sa ipasok sa van yung bagahe ko.

Niyakap naman ako ni Nayeon unnie.

"Ikaw talaga. Hindi ka talaga nagpaalam sa kanya. Mag iingat ka dun balik kaagad ah?" bilin niya habang yakap ako. Si Nayeon-unnie ang naging stage sister ko silang dalawa ni Jihyo unnie.

"Yes, unnie. Can you look for Dahyun after me?" paghingi ko ng pabor.

"I will. Mag iingat ka Sana-chan. Mamimiss kita." nakangiting siya pero nakita kong tumulo yung luha niya.

"Come on, Sana. Malelate ka sa flight mo." yaya ni Minari kaya humiwalay na ako kay Nayeon unnie.

Sumakay ako sa passenger sit. Nakatanaw lang ako sa dinadaanan namin.

Naiiyak na ko. Hindi ko na kayang tiisin pa kaya tahimik akong lumuha. Naramdaman ko namang may tumapik sa balikat ko mula sa likod.

"Sexy, calm down. Everything will be fine. Babalik ka naman diba?" nakangiting sabi ni Momo.

"Thank you, Moguri." Tsaka ko hinawakan yung kamay niyang nasa balikat ko, sagot ko tsaka siya tumango at bumalik sa pwesto niya.

Biglang nagvibrate yung phone ko. Nagtext pala si Daddy.

From : Appa

Take care, anak. Can't wait to see you.

To : Appa

Thank you Appa.

Binulsa ko ulit yung phone ko.

Iniisip ko padin si Dahyun, ano kayang reaksyon niya kapag nagising siyang wala ako.

Be fine Dahyun please. Don't make it hard for me. I love you so much.

"Sana, we're here." sabi ni Jungyeon-unnie. Incheon International Airport, nandito na nga kami. Aalis na talaga ako.

Pagkapark ng van namin hinatid nila ko sa may bungad at lahat kami nakadisguise.

"Mag-ingat ka dun." sabi ni Jihyo-unnie at niyakap ako.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon