-17-

1K 30 8
                                    

Sana's PoV

After 1 week...

Ngayong araw kami magkikita ni Momo at ni Mina sa park dito sa Osaka.

Hinihintay ko lang naman siyang dumating. Wala namang masyadong tao dito at hindi naman kami paniguradong makikilala.

"Sana!" narinig kong may tumawag sa akin. Lumingon ako si Momo pala, kasama niya si Mina.

Agad akong yumakap sa kanila. Hindi ko narin kase kaya at wala akong mapaglabasan ng nararamdaman ko.

"Sana, anong nangyare?" tanong ni Momo agad sa akin.

"Ginawa ko yung sa tingin kong tama, Momo. Ang palayain siya, dahil mahihirapan pa siya lalo kapag hindi ko pa siya nilayuan." naiiyak na sabi ko.

"Ano bang nangyare?" tanong ni Mina at pinaharap ako sa kanya.

"I'm engage. Sa anak ng mga Hwang. Parehas kaming babae, Momo at Kpop Idol rin daw siya. Maniwala kayo sa akin, Momo, Mina napipilitan lang ako. Hindi ko inakalang aabot sa ganito." paliwanag niya.

"Kpop Idol? Mahirap yan, Sana." sabi ni Momo.

"Pero bakit hindi mo sinabi kay Dahyun yung rason mo?" tanong ni Minari.

"Ayoko, kilala niyo siya. Hayaan niyo na lang siyang dumistansya na rin sa akin pagbalik ko, kesa pahirapan niya kong lumayo sa kanya." malungkot na sabi ko.

"Basta Sana, kapag kailangan mo kami sabihan mo lang kami sasamahan ka namin." sabi ni Momo.

"Kailan mo mamemeet yung fiancee mo?" tanong sa akin ni Mina.

"Mamayang gabi, may overnight kami sa isang resort dahil may party sila dun." sabi ko.

"Bale magkasama kayo magdamag?" tanong ni Momo.

"Oo." tipid kong sagot.

"Wag mong aawayin or susungitan, Sana. Biktima lang din yun dito." sabi ni Mina.

"Kayo na ang bahala kay Dahyun ah? Mas mauuna nanaman kase kayong babalik ng Seoul kesa sa akin. Kapag malungkot siya bigyan niyo siya nito." bilin ko tsaka ko ibinigay sa kanila ang isang jar na may maliliit na papel may mga notes dun na sana makapagpagaan ng loob niya. "Siguradong ubos narin ang chocolate bundles niya na iniwan ko sa kanya, kaya ito iabot niyo kay Jihyo-unnie siya na ang bahala dyan." dagdag ko pa. Inabot ko naman sa kanila ant isang paper gaya ng binigay ko kay Jihyo unnie bago ako umalis 2 months ago.

"Sobrang hirap ng sitwasyon ninyo. Magkalayo na nga kayo sinusubok pa kayo lalo ng tadhana." sabi ni Minari.

"Momo, ikaw na ang bahala sa kanya. Alam kong mahal mo siya, wag mo kong aalalahanin burahin mo ko sa puso niya." sabi ko kay Momo.

"Ang hirap hirap naman nun, Sana. Eh parang kahit tulog yun, ikaw parin ang inaalala ng puso nun eh." nakangiting sabi ni Momo. "Pero dahil hiniling mo gagawin ko. Aalalagaan ko sita gaya ng pagpapahalaga mo." dagdag niya pa.

"Noong umalis kami ni Momo kahapon sa Seoul parang gusto pa ngang sumama ni Dubu eh. Kung may ticket yun baka sumama na yun sa amin." sabi ni Mina-unnie.

"Buti nga hindi sumama. Mas mahihirapan kaming dalawa kung sakali." sabi ko naman.

"Paano Sana? We have to leave? May dinner pa kami ng family ko, kailangan ako sa bahay." sabi ni Momo.

"Ako din. Kailangan ko ng umalis, birthday ng grandma ko." sabi naman ni Mina-unnie.

"Sige. Mag iingat kayo. Salamat at pinuntahan niyo ko." sagot ko naman kaya niyakap nila akong dalawa.

Nang magkahiwa-hiwalay kami dumaan akong mall para bumili ng damit na isusuot sa party. Casual attire lang naman kase pool side party yun.

Bumili ako ng loose white cotton shirt plus black na shorts then Havaianas slippers na color black and then shades. Tsaka ako nag ipit ng messy bun.

Alam kong ayaw ni Dahyun na nakaganito ako at hot raw akong tignan kapag ganito sorry ito yung nadampot kong outfit.

Habang naglalakad ako palabas ng Mall ang daming nakakapansin sa akin. Hindi ko nalang iniintindi.

"Si Sana ba ng Twice na yan?"

"Kyaaaah. Namiss ko siya more than two months na siyang wala sa grupo."

"Naging hot pa siya lalo."

"Kyaaaah. Gender bender narin ata siya kahit babae napapabaluktot niya."

Patuloy lang ako sa paglalakad kahit na ganyan yung mga naririnig ko. Hanggang makarating ako sa parking lot at nagdrive papuntang resort na pagdadausan ng party.

As I came in kung anong atensyon ang iniwan ko sa Mall ganun rin ang sumalubong sa akin sa resort, naiirita man ako hinayaan ko na lang.

Pumunta ako kung nasaan ang mismong venue, 6pm narin ng gabi kaya nakaon ang disco lights.

This is a all out Tycoons-Heir/Heiress party kaya kahit na sabihin mong pangmatanda lang marami parin akong kaedaran.

Sinalubong naman ako ng announcement bigla ng DJ na nandun sa medyo elevated part ng venue.

"Ow, she's here Minatozaki Sana the Heiress of Minatozaki Family. Ms. Sana you're stunning!" napansin na pala ang pagdating ko, nalihis ang atensyon sa akin kaya pilit akong ngumiti.

Naglakad ako kung nasaan nakapwesto sila Dad,Mom at Lolo. They are here na ako lang naman talaga 'tong paViP ata nalate. Nakita ko din sila Mr. Hwang kasama rin pati ata yung asawa niya.

"She's here. Eunri, Taewoo my grand daughter Sana." pakilala ni Lolo sa akin.

"Annyeong." bati ko.

"Napakagandang bata pala nitong si Sana, siya ba ang kinukwento sa akin ni Taewoo na nagplano at nag ayos sa inyong convincing partnership?" tanong ni Mrs. Hwang/Eunri (fictional characters lang yung parents nila ah.)

"Siya nga. Ang aking nag-iisang anak." sabi naman ni Mom.

"Nga pala. Nasaan ang nag iisa ninyong anak, aba kailangan ng makilala ni Sana, ang fiancee niya." sabi ni Lolo, napayuko ako ng konti at niyukom ko ang kamao ko.

Hinawakan naman ni Dad yung balikat ko.

"Maya-maya lang paparating na siya. Nagpapark lang daw. Nga pala Sana, starting now you can call us Appa and Eomma." sabi ni Mr. Hwang, tumango lang rin ako.

"Here's your ring, Sana. Ibigay mo yan sa kanya mamaya." sabi ni Daddy at may binigay sa akin na grey na box. Binuksan ko at isang napakagandang sing sing ang bumungad sa akin. Dapat para kay Dahyun 'to eh. Hindi para sa iba.

"Again! The only heiress came. The Heiress of Hwang Family. Hwang SinB!" nabingi naman ako sa sinabi ng DJ.

"She's here." sabi naman ni Appa.

Kasabay ng paglapit ng pamilyar na babae sa amin. Ang girlfriend ni Sowon-unnie and why the fuck is she here it means...

"Sana, I know you're familiar with her. She's Eunbi also known SinB in public. Your fiancee." sabi ni Eomma. Nakita ko siyang nakangiti, pero tingin ko parehas kami ng nararamdaman, malungkot siya at palagay ko nasa sitwasyon kaming hindi namin ginusto.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon