Two

32.8K 403 19
                                    

CHAPTER 2: MASAKIT PARIN?

     

Weeks. Ilang linggo na rin ang nakakaraan simula nung nagbreak kami ni Enrique.

Sabi nila ‘Time heals all wounds’ so I let time do its job. Sadly it failed. Masakit parin, ni ayoko nga makita si Enrique eh. As much as possible iniiwasan ko siya. Baka kasi pag pumunta siya dito sa bahay at humingi ng tawad, eh bigla ko siyang mapatawad. Ayoko nang magpakatanga.

Nung nakita ko kasi na may kahalikang iba si Enrique, tiwala at relasyon lang naming ang nawala. Hindi ung pagmamahal. Kaya nga masakit parin eh. Kasi mahal ko parin siya.

AAAAAAAAARRRRRRRRGGHHHHH. Ayoko maging Martyr.

Kasalukuyan akong nasa bahay. Nasa kama, nakatalukbong at umiiyak. Hindi naman ako lumalabas ng bahay eh. Basta nasa bahay lang ako. Bakasyon ngayon, at nasa bahay ako. Talk about summer lovin’. (Note the sarcasm.)

“ANO BA KATH?!!” nagulat ako nang biglang sumigaw si Julia at hinatak ung kumot na nakatalukbong sakin.

“Kanina ka pa naandito?” tanong ko.

“KANINA PA AKO KUMAKATOK!! Masyado kang busy ka kaka-ngawa dyan kaya hindi mo man lang ako napansin! What is it this time Kath? NUNG ISANG ARAW INIYAKAN MO UNG COMMERCIAL NG MAGNUM DAHIL NAALALA MO NA BINIGYAN KA NI ENRIQUE NUN. Ice cream iniyakan mo! Gosh Kath. Stop crying over petty things!” galit paring sabi ni Julia.

“Petty? IT’S NOT JUST PETTY THINGS JULIA. HINDI MO KASI AKO MAIINTINDIHAN KASI HINDI MO ALAM ANG PINAGDADAANAN KO. KAYA IT’S EASY FOR YOU TO SAY SUCH THINGS!”

Parehas kaming natigilan at nagulat ni Julia sa sinabi ko. Oh Good Lord. What have I just done?

“Hindi un ung gu—“

“I”ll just go.” hindi na ako pinatapos ni Julia nagsimula na siyang umalis.

Umiyak lang ulit ako. Wala na nga si Enrique magkagalit pa kami ng bestfriend ko. Ayan na, guilt is eating me. Kasalanan ko naman eh. Masyado akong naapektuhan. Nagaalala na nga lang sakin si Julia ako pa galit. Tumayo na ako, dali-dali kumuha ng tissue at lumabas ng bahay.

Julia is not only my bestfriend, but my neighbor as well.

Paglabas ko nakita kong bara-barang nakapark ung kotse ni Kuya Sky sa harap ng bahay namin. Natanaw ko na nakayakap si Julia kay Kuya Sky sa tapat ng bahay nila. Nakatalikod sakin si Julia kaya hindi niya napansin na lumalapit ako. Si Kuya Sky naman nang asar pa, sumenyas ng parang lagot-ka-pinaiyak-mo-si-Julia sign.

Guilty ako kaya lumapit ako sa kanila at niyakap ko si Julia. Magakayakap parin sila ni Kuya Sky nang yumakap ako sa kanya. Ayan para tuloy kaming artista na nagshoshooting sa kalsada.

“Sorry na sis. Di ko talaga sinasadya un. Sorry di na mauulit un.” Pagsosorry ko kay Julia. Kumalas siya sa pakakayakap kay Kuya Sky, humarap siya sakin at niyakap ako.

One More Chance. [Fin.]Where stories live. Discover now