Ten

24K 310 24
                                    

 CHAPTER 10: YELLOW PONYTAIL

Ilang linggo na din ang nakakaraan simula nung naging kaibigan namin si Angge. Kung dati kilala kami bilang fantastic four, ngayon kilala na kami bilang amazing five.

Opo. Nagdagdag na si Angge sa tropa.

At opo, madalas parin ung pagiging irritable ko.

Madalas parin akong magselos. (/_/)

Ganito kasi yan, pag kaming lima ung magkakasama laging ako ung out of place.

Si Julia may Diego, si Angge may…. Dj.

San ako lulugar?

Di na kami ganun kadalas magusap ni Dj. Lagi kasing si Angge kausap niya. Madalas kila Julia ako sumasama. Pero syempre lumalayo din ako sa kanila para may quality time silang dalawa.

Nagiging buddy ko na nga ung bintana eh. Madalas kasi sa kanya ako nakatitig.

Katulad ngayon, math time at kasalukuyang may seatwork. Syempre hindi ko alam ung sagot kaya nakatitig na lang ako sa bintana.

“Kath..” napalingon ako sa katabi kong si Dj.

“Hmm?”

“Bat hindi ka nagsasagot?” tanong niya habang tinuturo ung papel ko.

“Ah… kasi… tapos na ko?”

“tapos ka na? eh wala ngang kahit anong nakasulat sa papel mo bukod sa pangalan mo at ung given.”

(-_-)’

Sa bobo ako sa math eh.

“Wala bang nakatapos?” napatingin kami sa professor namin na nagtanong. Tumayo siyang bigla at sinabing.. “Sige assignment nalang yan. But be ready dahil magpaparecite ako next meeting. Ok?” sabay labas ng room.

Ung mga kaklase naman naming naghiyawan at nagtalunan. May ibang tumayo para magunat. Ung iba lumabas papuntang canteen. Wala kasi kaming kasunod na klase. Ung prof naming dapat dun may seminar.

Kaya ayan kanya-kanya nang tayuan.

Lumapit naman samin si Julia at Diego, kaya bumuo ulit kami ng bilog. Nakikipagusap lang ako kila Diego at Julia. Si Dj? Ayun nakikinig sa ipod niya.

Opo, bumabalik nanaman siya sa statwa moments niya. Pero kapag naandito si Angge, siya na si Mr. Energetic.

Kairita. Kpyn. Kaselos.

Kasalukuyan kaming nagchichismisan ni Julia, nang maisipan kong nakawan ng tingin si Dj. Kaya habang naguusap kami pasimple akong lumingon sa tabi ko.

One More Chance. [Fin.]Where stories live. Discover now