Thirty Two . Two

19.2K 214 35
                                    

CHPTER 32.2: A MURDERER

| Unfaithful (adj.)

            - not faithful; false to duty, obligation, or promises; faithless;disloyal.

            - not sexually faithful to a spouse or lover.

            - Obsolete . unbelieving; infidel. |

_____________________________________________________________________________

(December 31, 8:45 pm; DJ's POV)


"DJ, susunduin ba natin si Andy?"

Busy kami sa pagaayos ng sarili. Inaayos ko ung pagkakawax ng buhok ko, si Diego naman nakaupo sa kama nagsasapatos.

"Tawagan mo nga. Baka naliligo palang yun. Alam mo naman ang mga babae, matagal magbihis."  sabi ko sa kanya.

Pagkaayos niya ng sintas ay kinuha na niya ung phone sa bulsa niya at tinawagan si Andy.

"He--"

Pinagtawanan ko lang si Diego. Pano kasi, di pa siya nakakabati nilayo niya kaagad ung phone sa tenga niya.

Rinig na rinig ko ung sigaw ni Mandy. "ASAN NA KAYO?!! QUARTER TO 9 NAAA! DEFINE BILIS?" tapos binabaan kami. Hahaha.

"Tignan mo tong babaeng to. Itatanong kung nasaan tayo tapos bababaan din ng phone." Pagrereklamo ni Diego sabay tago ng phone sa bulsa.

Patuloy lang ako sa pagtawa, nainis pa ata si Diego oh. "Hoy! Kabagan ka sana sa kakatawa. Lika na nga. Galit nayang Ex mo!"

Lumabas na kami ng bahay at sinundo si Mandy.

Ilang minuto pa ang nagdaan nang makarating kami kila Tina. Grabe talagang babae  to. Ang yaman. Ang laki ng bahay. Almost mansion.

Pagkapasok palang namin, amoy na nang alak ang sumalubong samin

"Diego!" sigaw nang isang groupo ng mga lalaki sa gilid. Di ba nga player si Diego ng basketball. Sila yun.

"Dj, Dy, puntahan ko muna sila ah." paalam ni Diego.

Tumango nalang kami ni Andy.

"Maaaaaaaaaaaannnnnnnddddddddyyyyyyy!" tili ng mga babae.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" tili din ni Mandy. Kagad na siya nagtatakbo sa mga babaeng nasa may kitchen.

"UY! DJ pare!" sigaw ni Kean. Agad akong lumapit sa kanila. Sila yung laging kasama ko pag wala si Diego. Minsan din kasama namin tumambay si Diego pag wala siyang basketball practice.

Medyo tipsy na sila.

"Tangna pre, anong oras palang lasing ka na?" pangaasar ko kay Kean.

One More Chance. [Fin.]Where stories live. Discover now