Eight

27K 340 28
                                    

CHAPTER 8: COMFORT

Kath’s POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong humigpit yung yakap sakin. Huh? May, nakayakap sakin?

Unti unti kong minulat ang aking mga mata, inilibot koi to sa paligid. Hala!!! Gabi na? Tapos naramdaman ko nanaman yung yakap na humigpit. Tsaka ko lang napansin ung pwesto ko, at ang katabi ko.

Nakaupo ako sa harap ni Dj. Nakayakap siya sa bewang ko, tapos ay nakasandal ung ulo niya sa kanang balikat ko. Nakasandal naman ako sa dibdib niya.

At nasa park parin kami?

Nararamdaman ko ung paghinga ni Dj sa leeg ko. Sa tingin ko tulog siya.

Dahan-dahan kong kinuha ung cellphone ko sa bulsa ng pants ko. tinignan ko kung anong oras na.

HAYUP!!! 7:23 pm!!!

Agad kong tinapik ung mga braso ni Dj na nakayakap sa bewang ko.

“Dj. Dj. Gising. Gising.”

Umungol lang siya at itinaas ang ulo niya. tumingin tingin muna siya sa paligid saka siya napatingin sakin. Nagulat siya nang Makita niya kung gaano kalapit ung mukha niya sa mukha. Kahit naman ako nagulat. Pero mas nagulat ata siya nung nakita niyang nakayakap siya sakin.

Kaagad niyang tinanggal ung kamay niya at nagkamot ng ulo.

“Aaaahhh… Ano…. Kath. Nahihirapan ka kasi matulog—“

“Ok lang Dj. Gabi na. Uwi na tayo. Baka hinahanap na tayo.”

Tumango lang si Dj at tumayo. Pagkatayo niya inabot niya sakin ung isang kamay niya bilang suporta sa pagtayo ko.

Pagkaabot ko ng kamay niya.

Bigla akong nakuryente. I think Dj felt that too, he stiffened.

Pagtayo ko eh nagpagpag lang ako ng damit tapos nagsimula na kaming maglakad. Ung playground kasi nasa gitna siya ng village 3 at village 4. Kahit hindi na sabihin kusa akong hinatid ni Dj samin. Aba gentleman buddy ko no. :P

Pagkarating naming sa bahay agad kaming sinalubong ni mama. Inutusan niya akong tawagin si Julia sa kanila, para ayain sa bahay kumain.

Paglabas ko sa bahay nakita ko si Julia kasama si Diego, papasok palang ng bahay niya.

“Sis!” tawag ko kay Julia. Lumingon naman kaagad si Julia at binigyan ko ng pang-asar na ngiti.

Naks. Asensado na si Diego, dume-date na.

“Sis naman eh!” sabay hampas ni Julia sa braso ko.

One More Chance. [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon