Sixteen

22.7K 261 20
                                    

 CHAPTER 16: FLED

Naranasan mo na ba ung sitwasyon na wala sayo ung desisyon kung mapupunta sayo ung pinakagusto mo?

Yung nakakakabang paghihintay kung sayo ba mapupunta.

Yung nakakakabang paghihintay kung ikaw ang pipiliin?

Ganun na ganun kasi ang nararamdaman ko.

"Ganito kasi yan Kath." explain ni kuya Bryan. "Since malapit na ung Pagent para sa Mr. and Ms CET. Nasa batch niyo kasi ung kukunin para ipambato ng course natin. Sumikat na kasi si Dj sa buong campus after nung happening sa canteen kasama si Angge. Ngayon hindi kami makapagdesisyon kung sino ipapartner namin kay Dj. Hanggang sa nagkaroon kami ng Poll. Kung sino ang mas may makukuhang mataas na boto. Siya ang ipapartner kay Dj. Kaya lang. Sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tie ung botohan. Ang hindi nalang nakakaboto sa buong batch niyo ay ikaw, si Angge at si Dj. Hindi na namin kayo pabobotohin ni Angge. It's now all up to Dj."

Lahat naman kami napatingin kay Dj.

Sabay tanong ni Kuya Bryan. "So Dj? Sinong mas gusto mo makapareha? Si Angge, o si Kath? It's all up to you now. You choose."

Tahimik ang lahat.

Lahat kami nakaabang sa isasagot ni Dj.

Tinitigan niya lang ako ng matagal.

"Ano na?" tanong ni kuya bryan.

"Si..--" sasagot na sana si Dj kaso biglang bumukas ng pinto. Lahat kami napatingin dun.

"Oh? What did i do? Bat ang daming tao?" tumingin-tingin pa sa gilid.

"ANG PANGET NG TIMING MO GURL!" sigaw nung Anne. Taga block 2 ata un eh.

"Ano? What did i do? Ano bang nangyayari dito? Yoohoo. Guise. Answer me." nagtatakang tanong ni Angge habang winawagaywag pa yung kamay niyang may hawak na envelope.

Infairness. I'll admit. Ang pangit nga ng timing.

"Sasagot na sana si Dj umentra ka pa." sagot nung Anne.

"Bat ka sasagot? May nagpropose sayo?" tanong ni Angge kay Dj.

"Wala. Walang nagpropropose kay Dj. Pinagpipilian kasi kung sino ung magiging partner ni Dj sa Mr. and Ms. CET. Ikaw o si Kath. Un ung sasagutin ni Dj." paliwanag ni Julia.

"Ahhhh. *tango.* Oh well no need to answer that ." sagot ni Angge.

"And why is that?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Well you see this?" sabay kaway nung hawak niyang envelope. "This envelope contains my withdrawal."

One More Chance. [Fin.]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum