Eleven

23.9K 303 12
                                    

 CHAPTER 11: YOU FOUND ME


Nagising ako sa tunog ng malakas na pagbukas ng pinto. Biglang pumasok ang hingal na hingal na si Julia.


“Kath bilis!” naiiyak na sabi niya. Habang hinahatak ako patayo ng kama.


“Anong nangyayari?” nagpapanik na tanong ko.


“Paalis na sila ni Angge, at wala nang planong bumalik pa.” kinakaladkad lang ako ni Julia papalabas ng kwarto ko, pababa ng hagdan.


“Sinong aalis?” tanong ko?


“Si Dj.”


Bahagyang tumigil ang paghinga ko. Hinayaan ko na kaladkarin ako ni Julia papalabas ng bahay.


Pagkalabas namin ng bahay, nagbago ang paligid. Nakita ko si Diego na kumakaway. Dun ko napansin na nasa airport na kami. Napatingin ako sa kinakawayan ni Diego.


Dun ko nakita si Dj na nakangiting kumakaway kay Diego bago magboard sa eroplano. Napatingin siya sakin at lumungkot ang mga mata niya. Sinubukan ko siyang pigilan, gusto kong sumigaw kaso walang boses na lumalabas sa bibig ko. Gusto kong gumalaw at habulin siya kaso may pumipigil sakin.


Hanggang sa nakapasok na siya sa loob ng eroplano.


Wala na si Dj.

“HMMMMMMMMMMMMMM!!!!!!!!” sigaw ko kasabay ng bagbukas ng mata ko.

Bangungot lang pala.

Madilim ang paligid. Dun ko napansin na wala ako sa bahay, at nakaupo ako sa isang madilim na lugar. May tape sa bibig ko kaya hindi ako makapagsalita.

Sinubukan kong igalaw ung mga kamay ko. Kaso nakatali ito sa likod ng upuan. Ganun din ang mga paa ko.

Nagpanik ako. Tinignan ko kung may dala akong cellphone. Dun ko napansin na naka PE uniform parin ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung pinilit kong inalala kung ano ang huling nangyari.

Ang naalala ko lang ay sinabihan ako ng isa sa mga kaklase ni Angge na hinahanap ako ni panot. Pagkakita ko sa bagong TA ni panot… Anon a ang sunod na nangyari? Wala na akong maalala…

Sinubukan kong kalmahin ung sarili ko kaso hindi ko talaga kaya. Nasaan ako? Anong gagawin nila sakin?

Pa--… papatayin ba nila ako?

Triple na ang bilis ng tibok ng puso ko. Anong gagawin ko?

One More Chance. [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon