Thirty Nine

19K 259 53
                                    

6 more chapters to go. Hashtag OMC (#OMC) for twitter comments. You can tag me if you like, @wattyrinana (YES I CHANGED MY TWITTER NAME.) Salamat sa supporta. :*


CHAPTER 39: SOMEWHERE IN HIS HEART. 

Nakatulog ang buong barkada sa paghihintay sa paggising ni DJ. Buti nalang dalawa ang sofa sa kwarto ni DJ. Sa isang sofa nakaupo si Khalil habang nakasandal sa kanya si Andy, sa di kalayuan ay nakaupo din si Quen. Sa kabila naman ay nakaupo si Diego at nakahiga sa lap niya si Julia.

Si Kath? Nasa tabi parin ni DJ hawak-hawak ang kamay nito.

Tahimik ang paligid. Paminsan-minsan may pumapasok na nurse para lang icheck si DJ tapos ay lalabas din.

Naalimpungatan si Kath nang may maramdaman siyang gumalaw.

Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata niya para tignan kung ano ito. Napansin niya na hawak pa rin niya ang kamay ni DJ.

Kaagad siyang tumayo at ginising sila Diego.

"JULIA! DIEGO. GISING! Nagigising na si DJ" sa lakas ng boses ni Kath pati narin si Andy, Quen at Khalil ay nagising.

Napansin nilang unti-unting bumubukas ang mga mata ni DJ.

Titig na titig sila kay DJ at inaabangan na mabuksan na nito tuluyan ang mata.

Nang mabuksan ni DJ ang kanyang mga mata, unang bumungad sa kanya ang mukha ni Kath. 

Maiyak-iyak si Kath sa saya nang magising na si DJ. Kaso hindi pa pala tapos ang kalbaryo nila.

Tinitigan siya ni DJ at nagtaas ito ng kilay..

"Sino ka?" 

Lahat sila ay nabaliw sa narinig.

Nanikip ang dibdib ni Kath sa narinig, habang ang iba naman ay naakatinginan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Galing mo mag-joke bro!" hagalpak na tawa ni Khalil. Natigil din siya kaagad nang mapansin na siya lang ang tumatawa. Kahit si DJ ay nakatingin din sa kanya na parang nagtataka. Agad nataranta si Khalil, hinawakan niya si DJ at inalog ito. "Seryoso ba talaga yan DJ?! Sino ako?" tanong niya

Tinitigan silang lahat ni ni DJ. His eyes hardened nang dumako ang paningin niya kay Kath. Tumingin ulit si DJ kay Khalil. "Kilala kita Khalil."

Nakahinga naman ng maluwag si Khalil. Si Julia naman ang bigalang sumingit, "Ako Deej? Kilala mo?"

Dahan-dahang tumango si DJ. "Julia." he whispered.

"Ginagago mo ba kami? Kilala mo naman ata kaming lahat eh." naiinis na sabi ni Andy. "Nako DJ kung trip lang to. Sasakalin talaga kita."

One More Chance. [Fin.]Where stories live. Discover now