Nine

24K 304 13
                                    

 CHAPTER 9: IRRITATED

So Dj saved some damsel in distress. So feeling nila nasa isang palabas sila na kailangan magyakapan ng mga bida sa dulo?

So feeling ni Dj isa na siyang Superhero? So feeling niya siya si Batman?

Nagulat si Dj ng bigla siyang yakapin nung babaeng niligtas niya, Angelica Savella daw ung pangalan.

Medyo pinagtitinginan parin sila ng mga tao. Duh. Agaw eksena parin kaya.

“Ehem?” kunwaring ubo ko.

Biglang napatingin sakin si Dj tapos bigla siyang kumalas sa yakap nung babae. Psh. Kung di pa ako nagpapansin di pa bibitaw. Nanamnamin pa. Sauce.

Nagkamot lang si Dj ng ulo habang nakatingin sakin. Napatingin naman ako sa dun sa babae na kasalukuyang nagblublush ngayon habang nakatingin kay Dj.

“Thank you po talaga kuya.” Sabi nung babae habang nakatingin parin kay Dj.

“Ah. Wala yun?” di pa sure na sagot ni Dj. “pupunta kami ni Kath sa canteen. Gusto mong sumama?”

Biglang nagpantig ung tenga ko. Tama ba ung narinig ko? Di pa ba sapat ung thank you? Bat kailangan kasama pa naming siya? Psh! Bat ako biglang nairita?

NAKAKAINIS.

“Ayos lang naman un Kath diba?” muntik na akong mapanganga sa tinanong ni Dj. Buti napigilan ko ung sarili ko at nasara ko ung bibig ko at tumango.

NAKAKAINIS. NAKAKAINIS KAHIT NA HINDI KO ALAM KUNG BAT AKO NAIINIS. BASTA NAKAKAINIS. NAKAKAIRITA!!!

Tinignan ako nung babae na parang tinitiganan pa kung sure ako na ok lang ba talaga sumama. Ngumiti ako sakanya. Ngumiti din siya sakin at sinabing “Sure.”

Naglakad na kami papuntang canteen. Nagpakilala kami ni Dj sa kanya. Sabi niya Angge nalang daw ang itawag naming sa kanya.

Pagdating sa canteen, bumili na kami ng pagkain. Babayaran ko n asana ung inorder namin ni Dj, kaso naginsist si Angge na siya nalang daw magbabayad. Pathank you na daw niya samin sa pagliligtas naming sa kanya.

Humanap kami ng bakanteng table at dun pumwesto.

Mabait naman si Angge. Masaya siya kausap. Napagsasalita nga niya si Dj eh. Kahit ako. Kaso hindi maalis sa sistema ko ung irritation.

I’m not irritated with Angge. I just feel this Irritation. And I hate this familiar feeling.

Mostly sila lang ni Dj ung naguusap. Sumasagot ako pag tinatanong ako. Yun lang. Tapos na silang kumain, ako nalang ang hindi. Nawalan na kasi ako ng gana.  Thanks to that irritation that i’m feeling.

One More Chance. [Fin.]Where stories live. Discover now