Thirty Three

20K 257 43
                                    

Stow Note:

Hey guys! Alam ko ng nasa kalagitnaan at intense part na tayo ng OMC! Yey!

Gusto ko lang sana ishare na meron akong new KATHNIEL story, entitled. "All About Grey." So ayun, ipopost ko ung first chap pag napapalapit na ang pagtatapos ng OMC.

Pero pag napasaya niyo ko, (madali namang gawin yun.) magugulat nalang kayo may Chapter 1 na. Oha?! Ayun lang.

Eto na ang pinakahihintay niyong Chapter.

_____________________________________________________________________________

CHAPTER 33: PRETTY LITTLE LIARS.


"The cruelest lies are often told in silence.  --  Robert Louis Stevenson"


-

(January 1, Third Persons POV)

"Hey A- WHAT THE FVCK DJ?!"

"I-its not what you think it is!"

Nabulabog ang buong pagkatao ni DJ nang makita si Julia sa may pintuan. T*ngina lang. Sa dinami-dami ng makakakita sa kanya si Julia. Pero in the first place, bat nga ba siya nandun.

"Hmmmm."

Napatingin parehas si Julia at Dj sa umungol na si Andy. Medyo binaba niya ung kumot na nakatakip sa upper body niya. Nanlaki ang mata ni Julia sa nakita. Shit, shirtless si DJ. As well as Andy! Takte anong ginawa nila, nagJack en Poy?

Naguguluhan sinara niya muli ang pintuan at tumakbo papalabas.

Medyo nagugulat pa si DJ sa mga nakikita niya. Nang makita niyang walang shirt si Andy, nagsimula nang bumalik sa kanya ang mga ala-ala ng nangyari kagabi. Natigil lang siya sa pagiisip nang marinig niyang kumalabog ang pintuan.

Mabilis siyang tumayo at hinanap ang shirt niya. Nang makita niya ito ay agad siyang lumabas  para habulin si Julia. Kaya lang nang makalabas na siya kila Andy, nakapasok na si Julia sa kanila.

Gusto niyang sundan si Julia para magpaliwanag. Kaso anong ipapaliwanag niya? Na totoo lahat ang iniisip ni Julia.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGHRRR!!!!!" sa sobrang inis ni DJ napasabunot nalang siya sa sarili.

Napatingin siya sa bahay nila Kath, at umalis narin.

Guilt is eating him. Hindi niya kayang makita si Kath.

---

(THE SAME DAY; 3 PM)

Medyo nagaalala na si Kath kay DJ. Alas tres na kasi ng hapon pero hindi pa rin ito nagpaparamdam. Naisip niya na baka super madaling araw na ito umuwi at baka marami itong nainom kaya hanggang ngayon ay tulog padin.

Kumuha muna si Kath ng gamot para sa hangover tsaka napagdesisyonan na pumunta kila DJ.

One More Chance. [Fin.]Where stories live. Discover now