Thirty Seven

21.6K 313 92
                                    

Giuse! Click "External Link" for this week's inspiration. Hihi! Mixed Third person POV and DJ's POV


CHAPtER 37: SHE SAID NOTHING.

*Am I better off dead? Am I better off a quitter?*

AFTER 2 DAYS. [DJ'S POV]

2 days.

2 days na akong parang patay.

Dalawang araw na ang nakakaraan simula nang magbakasyon. Masaya daw pag bakasyon, pero bat di ko ramdam?

Ay oo nga pala. Kahit naman anong okasyon basta wala si Kath hindi masaya.

Di na ko sasaya.  

Nakahiga ako sa kama. Tinitigan ko lang ang larawan ni Kath na nasa kisame ng kwarto ko. Tinaas ko ng kamay ko na parang aabutin siya. Ganitong-ganito kami ngayon eh. Ung malapit lang siya pero hindi ko parin maabot.  

Sinubukan ko naman eh. Sinubukan kong ayusin. Kaso anong aayusin eh bumuo na siya ng bagong pangarap kasama ng iba.  

Hanggang  dito nalang ba kami?   Eto na ba ang ending ng storya namin?  


*knock knock*  

"Pasok." sigaw ko. Ineexpect ko na si Tita ung papasok. Maglulunch na kasi baka tatawagin na kami. Kaya anong balikwas ko sa kama nang si Diego ung pumasok ng pinto.  

Simula kasi nung nagkandaleche-leche ung buhay ko, hindi ko pa siya nakakausap. Naguiguilty ako. Wala silang kasalanan nadamay pa sila. Kahit nung nakita kong ok na sila, iwas parin ako sa kanya. Ano bang mukha ang maihaharap ko?  

"DJ." panimula ni Diego nang mabuksan na niya ang pinto. Teka. Anong isasagot ko?! Ngayon lang ulit niya ako kinausap. Anong sasabihin ko? "Pinapasabi ni Julia na invited ka daw sa birthday niya bukas. Kailangan 6 am nasa kanila ka na. Overnight so magdala ka na ng damit mo. Ok?" Yun lang ung sinabi niya tapos umalis na din siya.

Hindi ko alam kung galit siya o hindi.  Pero nagpapasalamat parin ako sa kanya. Alam kong andun si Kath. Tinutulungan nila akong mapalapit sa kaniya.  

[Kinabukasan. 3rd Person's POV]

Quarter to 6 na nang makarating si DJ sa tapat ng bahay nila Julia. Gustuhin man niyang magdoorbell kaagad ay hindi niya mapigilang ang sarili na mapatingin sa bahay nila Kath.

Memories starts to rush in his mind, as the same time with pain with his heart.  

Good memories. He never thought it would end.

Gusto niyang puntahan si Kath sa bahay nito. Kaso anong karapatan niya? Oo naging boyfriend siya dati... dati.  

One More Chance. [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon