Twenty Four . One

22.5K 236 21
                                    

CHAPTER 24.1: NEW FOUND LOVE

Ifast forward na natin ang kwento nila Kath.

After nang gabing nalaman ni Kath ang weakness ni DJ (ang pagiyak nito sa gabi tuwing may sakit), mas lalong tumibay ang relasyon nila.

Their love deepened. Their trust tightened.

Masaya naman sila. Kahit na ang mga tao na nakapaligid sa kanila ay masaya rin. There's a progress between Julia and Diego's lovelife, si Khalil? Ayun, tamang paghahanap lang ng mamahalin niya.

Sumaglit tayo sa buhay pagibig ngayon ni Khalil.

____________________________________________________________________________

(KHALIL'S POV)

Nakakainis. *stomps his feet* Nakakainis talaga. *slightly sinasabunutan ang sarili* WAAAH. NAKAKAINIS.

Anong nakakainis? 


* F L A S H B A C K *

Pumunta kasi ako sa bahay nila Kath kanina, wala lang bonding lang sana. Ang kaso lang pagdating ko dun ang bumungad sakin ay si Mama (Mama ni Kath) na nagsasara ng gate.

"Mama may lakad tayo ah. San ka pupunta?" pabiro kong bati kay Mama.

"Usisero ka na nak? Hahaha. Pupuntahan ko ung pinagaaplayan ko. Nabobored na ko sa bahay. Kaya nagapply ako ng trabaho." sagot niya habang nilolock ung gate.

"Mama, bat mo nilolock? Papasok pa ako!"

"Papasok ka? Wala naman dyan si Kath. Kasama ni Dj. Nagdate sila."

"Anu bayan. Sige Ma, una na po ako. Kila Julia nalang ako mangugulo." kiniss ko sa cheeks si Mama, tapos lalakad na sana ako paalis kaya lang..

"Di ko ba nasabi? Double date ang nangyari. Sila Kath, pati sila Julia at Diego." 


* E N D O F F L A S H B A C K *

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!

Nakakainis! Ako na tigang! Ako na walang lablyp! Nakakainis! Nakakainis!!

Hindi naman sa bitter ako sa new found love ni Julia which is si Diego. Mahal ko si Julia... dati. Kaso ngayon? Unti-unti nang nawawala. Bakit?

Kita ko naman kasi na masaya siya kay Diego, na inaalagaan siya ni Diego kaya ok na ako dun. Masaya na ako para sa kanya. Kung di ko kasi pipilitin ang sarili kong magmove-on magmumukha akong tanga. Ayoko ipilit ang sarili ko sa ayaw sakin. Masyadong masakit yon.

One More Chance. [Fin.]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora