Thirteen

24K 306 30
                                    

 CHAPTER 13: THE OTHER GUY

(Kath's POV)

Ansakit ng katawan ko. Never pa akong nakaexpirience ng ganitong body pain. Feeling ko naubos lahat ng lakas ko, but then i feel safe. Unti-unti akong dumilat para tignan kung nasaan ako. Nang mapansin kong hindi ito pamilyar una kong hinanap si Mama.

"Mama?"

"Kath." sagot ng teary-eyed, worried, at relief na mama ko, tapos bigla niya akong niyakap. Kahit medyo masakit hindi na ako nagreklamo. Basta andyan si mama. Mapapawi naman ng lahat ng sakit.

Sinubukan kong iangat ung upper body ko para makaupo ako sa kama, kaso sobrang sumakit ung tyan part ko. Buti nalang andyan si mama para umalalay.

Pagkaupong pagkaupo ko biglang may yumakap sakin.

"Kathhhhh!!!!" iyak ni Julia.

Napaisip ako kung bat sila umiiyak, kung bakit sila nagaalala. Dung nagflashback lahat ng nangyari sakin. Kung paano ako kinuha, at kung paano nila ako nahanap.

"Ok na ko sis. Wag ka nang umiyak." yakap ko kay Julia sabay haplos ng buhok niya.

Nung kumalas na siya sa pagkakayakap ko lumapit naman sakin ang naiiyak din na si Sky.

"Baby Kath. Pinagalala mo ko." teary-eyed na sabi niya. Alam kong pinagalala ko siya, kita naman sa mga mata niya eh. Ayokong nalulungkot sila dahil sakin.

"Iiyak ka din ikaw pala baby damulag eh!" pangaasar ko sa kanya. Niyakap lang niya ako at hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Thank God you're back." bulong niya.

Pagkabitaw niya sakin dun ko nilibot ung tingin ko kung nasaan ako. Pagtingin ko sa kaliwa kung nasaan si Julia at Sky, nakita ko ang isang Diego na nakanganga.

Shit.

"AHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!!!!! Picturan niyo si Diego dali! Once in a Blue Moon lang yan!!"

Natawa lang silang lahat sa sinabi ko. Napatingin ako sa right side kung nasaan si Mama at si...

"D-dj.."

Agad siyang tumayo at naglakad papalapit sakin. Umupo siya sa kama at hinawakan ng kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Tinitigan kong maigi ung kamay naming magkahawak. Bakit? Kasi pamilyar ung pakiramdam. Pagkahawak niya sa kamay ko, i felt secured. the feeling that i exaclty left before i passed out. Dun ko na realize na..

Inangat ko ung tingin ko at tinignan siya mata sa mata.

"It's you... you found me." i stammered. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Hindi ko napigilan ung sarili ko eh. Siya ung nakahanap sakin. He found me...

One More Chance. [Fin.]Where stories live. Discover now