Twenty Five

21.7K 262 43
                                    

CHAPTER 25:  LEAVING ON A JET PLANE



(KATH'S POV)

Nagising ako nang may dumagan na kamay sa tyan ko. Minulat ko kaagad ang mata ko sa pagaakalang si DJ yon, kaso nung nakita ko si Julia, dun ko lang naalala na umalis nga pala si DJ.

DJ. Wala pa man din isang araw na nagdadaan namimiss na kita. (T.T)

Kahit naman iyak ako ng iyak kagabi nasa ulirat parin ako no. I mean alam ko lahat ng sinasabi nila sakin. Iniintake ko lahat ng pampalubag-loob na pinagsasabi nila. Lalo na ung sinabi ni Khalil, na kapag sila ni Julia ang kasama ko.. Wala munang DJ. Para hindi ko siya ganun mamiss.

Kaso parang di effective!! Namimiss ko na babe ko! (T.T)

Tumayo na ako sa kama, at inayos ung kumot ni Julia. Malamig kasi sa kwarto. Palabas na ako ng kwarto kaso nadaanan ko ung picture namin ni DJ. Friname ko kasi ung picture namin ni DJ nung nagzipline kami.

Kahapon lang nangyari yun, pero parang ang tagal na. DJ! Namimiss na kita! (T.T)

Wag ka iiyak Kath! Lagot ka kila Khalil pag umiyak ka! Wag ka iiyak! Wag ka-- WAAAAH! Ayan na tumulo nanaman ung mga luha! Kasi naman Dj eh. Namimiss na kita.

"Ju-- Oh Kath! Aga mo nagising ah!" Biglang pasok ni Khalil sa kwarto ko. 

Buti nalang nakatalikod ako sapintuan kaya hindi niya nakita na naluluha ako. Palihim kong pinunasan ung luha ko at humarap sa kanya.

"Si Julia kasi, alam mo naman na malikot matulog yan! Ayun, nagising ako! Ikaw anong ginagawa mo dito? Aga brad ah! Wag mong sabihin na makikikain ka! 6 am palang!" 

Sa haba ng sinabi ko, wala akong nakuhang reply kay Khalil! Aba ang bruho! Tinitigan lang ako.

Lumapit ako sa kanya at winagayway pa ung kamay ko sa mukha niya. "Huy Ano? Nanigas na?"

Nagulat nalang ako nung bigla niya akong niyakap. HALA! Chansing!

"Hoy! Chansing yan ah!" biro ko sa kanya.

"Grabe Kath! Buti bumalik ka na sa normal! Kagabi di kita makausap ng matino! Ngayon dami mong sinabi! You're back! Yeeey!" nagtatatalon pa ang loko! "Tinipid mo ba talaga ako sa sagot kagabi? Ay! Wag mo nalang sagutin yan! Since gising ka na, may ipapakilala ako sayo"

"ingay!" sigaw nang bagong gising na si Julia kay Khalil! Bat ba ang taas ng energy nito ni Khalil! Ang aga niyang magligalig ah!

"Dali Julia!!! Sama ka na samin ipapakilala ko rin siya sainyo!" sabay hatak niya sa kamay ko at sa kamay ni Julia.

Aba, di syempre hindi kami nakapalag ni Julia. Lalaki yan si Khalil kaya malakas. Magrereklamo pa nga sana si Julia eh, pano nakapajama pa siya.

One More Chance. [Fin.]Where stories live. Discover now