Seven

26.9K 337 8
                                    

CHAPTER 7: SANDALAN



Months passed and rumors flies.

Kapag may ibang nagtatanong sakin kung anongnangyari sa relasyon namin ni Enrique, nasusungitan ko. Pag may nakakasalubong akong common friend namin tapos ioopen sa topic si Enrique, nasusungitan ko sila. Sorry naman. Nakakainis kasi na balik-balikan eh. PAST NA YUN. Iwan na natin dun.

As much as possible I’d like to act like Enrique never existed. Nililinaw ko lang po.

HINDI AKO BITTER.

Sadyang hindi ko palang kaya na magusap kami. Sure we can be friends… in time. Maybe in future, but totally not now.

Pero ung paguusap na naganap samin ni Dj. I’m soooo glad that happened. That talk serves as our ice breaker. Simula nung naging super buddies na kami. Tapos nawala na ung statwa moments niya. Naging close na din siya kay Julia. Naging super tight na kaming Fantastic Four. Literally hindi na kami mapaghiwa-hiwalay.

Hinahatid na kami ni Dj at Diego sa bahay.  Kahit na mas nauuna ung bahay nila kesa samin. Sweet nila noh? Kilala na rin si Dj at Diego sa bahay. Kilala na sila ng magulang ni Julia. Same as sakanila, kilala na kami kila Diego. Hindi namin nameet ung magulang ni Dj. Nasa ibang bansa daw kaya nakatira siya kila Diego.

HEP HEP. Auguuuust naaaaaaaaaaaaaa!!!

As of now nasa bahay kami, nagrereview for mid-term. Woo. Midterm na madalas 20% yan ng grade namin kaya kailangan naming mag-aral ng mabuti. At bukas na ang simula nito.

“Kath hindi ganyan. *sigh* Nakakatatlong beses ko nang tinuturo sayo yan eh.” reklamo ni Dj. Yep. Nagaaral kami ng math subjects at sa kanya ako nagpapaturo. Duh! Mind you, may execellence churva po yan! Baka sakaling maambunan ako ng galling sa math pag sakanya ako nagpaturo.

Sila Julia at Diego? Ayun nagsosolve nalang. Tss. Edi sila na magagaling sa math.

“Sorry naman. Promise pinipilit kong intindihin. Iniintindi ko siya. Kaso ayaw niyang magpaintindi.” nakapout ko na reklamo sa kanya. Dinuduro duro ko pa ng libro na para may emphasis na pinipilit ko talagang iniintindi ung libro.

“Kath last na ah..” tapos tinuro niya sakin kung paano kunin ung X. Square root dun, divide dito, multiply dun, tinititigan ko lang ung ginagawa ni Dj. Pilit iniintindi.


*blink*

  “Ayan! X=1” saad niya.

(o.o)

Ganyan reaction ko. Napakurap lang ako may sagot na? Nakita ata ni Dj na gulong-gulo ako.

“Kath naman! Hindi ka nakikinig eh!” sigaw ni Dj.

One More Chance. [Fin.]Where stories live. Discover now