Twenty Six

20.8K 266 56
                                    

CHAPTER 26: YOU'VE GOT TO BE KIDDING ME, RIGHT?


(KATH'S POV) 

"Kath? *knock knock knock* Kath? Yooohoooo. Are you awake?!! *knock knock knock*"

Nagising ako dahil sa kumakatok sa kwarto ko. Labag pa sa loob ko ang gumising ng maaga. Sinuspend klase kasi maulan. Maulan = Masarap matulog. Bahala kayo sa buhay niyo matutulog ako, napagod ako sa pag iyak kagabi. Hinigpitan ko pa ung yakap sa scrap book namin ni DJ. Sa sobrang pagiyak ko kagabi, nakatulugan ko ung scrap book.

"*knock knock knock* YOOOOHOOOOOO. Wake uuuuup! *knock knock knock*" WAAAH! Stop banging the door. Let me sleep more!

"Mama, narinig ko suspended klase. Matutulog muna ako!"

"But I'm not your mom! And kindly open your door! Di ka ba nahihiya sa bisita mo?" pagsusungit nung nanggigising.

Bisita? Sinong bisita?

Binitawan ko muna ung scrap book. Tumayo ako at lumapit sa pinto.

"Sinong bisita?"

Binuksan ko ung pinto.

"AKOOOOOO! ay, KAMEEEE!" tapos naghagikgikan pa sila.

Tinalikuran ko sila at naglakad papunta sa minamahal kong kama. "Psh, Ang aga niyong mabulabog." Sabay dapa sa kama. Grabe no? Iba ang gravitational pull ng kama pag tag-ulan!

Sumunod naman kaagad si Julia sakin at tinabihan ako sa kama. Naiwan si Andy sa labas ng pinto. Parang tanga. Nagmamasid-masid pa. Sabagay, first time niyan dito sa kwarto ko. Pano kasi laging sa kanila kami natambay.

"Kath, anong kulay ng kwarto mo?" tanong niya. Pumasok na din siya ng kwarto at umupo sa tabi ni Julia.

"Periwinkle." inaantok na sagot ko. "Bat nga pala kayo naandito?"

"Movie marathon tayo? Masarap mag movie marathon sa ganitong panahon. Nood tayo chick flicks." sagot ni Julia.

"Osige. Ayos lang sakin." tumango-tango pa ako. "Anong gusto nyong pagkain?" tanong ko. Syempre habang nagmomovie marathon dapat may chibog.

"Ano kasi Kath... Waaaaaah! Namimiss ko na carbonara mo! Un nalanggg!!!" parang bata to si Julia. Nagpacute pa ang loka. Wahaha.

"Woah! Nagluluto ka Kath?" tanong ni Andy.

"Magaling magluto si Kath! Specialty niya ang CARBONARA!!" naks. Nagcompliment pa. Para lang sa carbonara.

"Talaga? Napaka-coincidence naman. Specialty ko din un eh. Lalo na ung may shrimp."

One More Chance. [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon