Flatops :'(

7K 219 12
                                    

Chapter 6

Kath POV

Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa bahay. Hindi pa rin nawawala yung pagkapula ng mukha ko dahil sa sampal. Pagkauwi ko sa bahay, nadatnan ko si Kuya Enzo na galit na galit. "Kuya? Anong nangyari sayo?"nagaalalang tanong ko. Umiling lang sya at tumalikod. Hinawakan ko na agad ang braso nya. Humarap siya sa akin at niyakap ako.

O__O

Bakit umiiyak si Kuya? Nakaramdam ako ng lungkot sa pagyakap niya. Hindi ko alam ang dahilan ng pag-iyak nya. Ngayon ko lang nakita na umiyak si Kuya :( Dahil palagi syang nakangiti at napakajolly nyang tao. Kung anuman ito, hindi ko muna sya pipilitin sabihin kung ano mang problema nya.

"Kuya. Ssshh.. Kung anumang problema mo Kuya, nandito lang ako.Please wag ka nang umiyak! Mababawasan ang kagwapuhan mo"pabirong sabi ko. He chuckled. Alam kong behind of his smile ay nasasaktan na sya.

"I love her. Sobra!  Higit pa sa buhay ko.  Pero ngayon, malapit na siyang ikasal! Ang sakit.. Sobra"paos nyang sabi. Mas lalo pang nabasa ang balikat ko. Umiiyak siya. Umiiyak siya sa isang babae na minahal niya. Siguro nga, ganun talaga pag nagmamahal ! Kailangan mong masaktan.

"Kuya.. Love is not love if there is no pain. Pero kuya kung mahal niyo ang isat isa ay dapat niyo itong ipaglaban. Kuya ! fight for your LOVE"maluha luha kong sabi. Tama naman diba? Kailangan mong lumaban para sa minamahal mo.

"Yeah, I know. Dahil buong buhay ko inilaan ko sa babaeng pinakamamahal ko. Pero pagod na ako, pagod na akong magmahal at lumaban"walang gana nyang sabi. Ang sakit lang maramdaman na hirap na hirap na ang isa sa mga taong mahal mo. 

"Kuya, kung mahal mo talaga sya. Hindi ka mapapagod ! Lumaban ka lang kuya.."sabi ko at ang kanina ko pang pinipigil na luha ay bumagsak na. Naaawa ako kay Kuya. T_T

"Salamat Alexie salamat! Magpapahinga na ako" sabi nya at kumalas sa pagkakayakap. Ngumiti sya ng pilit at dumiretso na sa kwarto nya. 

Hindi ko alam kung paano ko sya matutulungan. Alam kong kailangan niyang mapag isa at kung anuman ang desisyon niya ay susuportahan ko siya.

-------------------------------------

Nandito ako ngayon sa isang ice cream parlor, pagkatapos nung paguusap namin ni Kuya. Tumawag si Yumi at pumunta daw ako sa tambayan namin. Nandito ako ngayon kasama sina Yumi, Kei, at Chelsea na nagtatawanan at ako naman ay nag iisip kung paano ko matutulungan si Kuya.

"Kath, may hindi ka ata sinasabi sa amin?"tanong ni Chelsea. Iniisip ko kung ano, kung yung kay Xander o yung problema ko kay kuya. 

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlWhere stories live. Discover now