Mistaken

4.9K 137 1
                                    

Chapter 49

Kath POV

Tatlong linggo na ang nakalipas  nang makita kong muli si Liam pero hindi ko na siya muling nakita. Sa bawat araw na nagdaraan ay paulit ulit na lang ang ginagawa ko. Papasok sa eskwela, magbabonding kasama ang mga best friend ko tapos makikipagdate kay Zach. At sa bawat araw na nagdaan ay hindi ko pa rin nakikita si Xander. Even if I try so hard to forget about him, I know that I will always fail.

*blag*

Sh*t ! Aww. Ang sakit ng ulo ko ! May nabunggo yata akong pader sa tigas nitong pinag untugan ko. Hinamas ko na lamang ang ulo ko at tumingin sa aking harapan. Napatda naman ako nang makita ang nasa aking harapan. Muli kong nakita ang malaanghel na mukha kahit na makikita mo dito ang pagkapuyat.

Halata rin na nagulat ito pero agad ding nawalan ng ekspresyon ang mukha nito. "X-ander.."kinakabahang tawag ko dito. Hindi ito umimik at nagpatuloy lamang sa pagtingin sa akin. Tinitigan ko na lamang din ito.

I missed him like crazy. And now that he is in front of me, I feel like I want to kiss him. I'm craving for his kisses, for him.

"Babe.."

Natauhan ako at napatingin sa likuran ni Xander. Napangiti na lamang ako ng mapait ng lumapit ang isang babae kay Xander at hinalikan ito sa labi.

'Wow ha ! Sa harapan ko pa talaga ha, mga peste kayo !'naiinis na naisip ko na lamang.

"What are you doing here, babe?"sabi nito saka tumingin ng matalim sa akin.

"Nothing, babe. Nagkabanggaan lang kami."nakangiting saad nito kay Stephie at hinapit ito sa bewang at hinalikan ang buhok nito.

'Pwedeng magmura? F*CK ! SH*T ! BULLSH*T ! DAMN ! F*CK THEM ! UGH ! WAAA !'nagngitngit na sigaw ng utak ko pati nga din yata yung puso ko ay nakiayon. Ugh. Ngumiti na lamang ako at akmang aalis na nang may tumawag sa akin.

"GABBIELOVE !"

Iisa lang naman ang taong tumatawag sa akin nito. Humarap ako sa direksiyon nito at ngumiti dito. Paano niya nalaman na dito ako nag - aaral?

Lumapit ito sa akin at aakmang yayakapin ako ng piningot ko ang tainga nito. "Aww.. ano bang ginawa ko sa iyo? Ouch ! Masa--aww !"daing nito.

"Hindi ka po kasi nagpakita sa akin ng tatlong linggo tapos ngayon yayakap ka na lang bigla?"pagtatampo ko dito at binitawan na ang tainga nito.

"Psh. Sorry na, GabbieLove! May importante lang akong ginawa. Sorry na kung namiss mo ako--Aww !"mayabang na sabi nito habang hinihimas ang tainga nito. Natatawang binatukan ko ito at niyakap. "Flatops, namiss kita.." binulong ko dito.

"Namiss din kita, GabbieLove. Sobra."

Niyakap din ako nito ngunit nagkahiwalay din kami nang may tumikhim sa likod namin. Sh*t ! Nakalimutan kong nandoon pa pala sila. Nakita ko na madilim ang tingin sa amin ni Xander at mas matalim naman ang ipinukol na tingin ni Stephie sa akin.

"Oh ! Long time no see, my ex-girlfriend !"mapait na bati ni Liam kay Stephie.Nagulat ako ng biglang batiin ni Liam si Stephie. Hindi lang pala ako pati na rin ang lalaki sa harapan ko. Nakita ko naman ang pagiging uneasy ni Stephie pero agad ding napalis at napalitan ng mataray nitong awra.

"Oh ! Hello there, my ex-boyfriend."may diin na saad ni Stephie rito. Ngiti lang na mapanuya ang ibinigay dito ni Liam. Bakas naman ang pagtataka sa mukha namin ni Xander.

"Hey, Xander ! Pwede ko bang makausap muna si Stephie?"

Napatingin ako kay Liam nang sabihin niya ito. Sinulyapan ko si Stephie na matalim na nakatingin kay Liam. Tumango si Xander kaya iniwan na kami nila Stephie at Liam. 'Kami.." Oh geez ! Kami na lang yung naiwan.

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlWhere stories live. Discover now