BUNTIS AKO?!?

5.8K 133 6
                                    

Chapter 29

 

"Bakit ang tagal naman nya magising?"

 

"Hala ! Baka tigokness na sya? *PAK* Aray.. !"

 

 

"Tumahimik ka baka gustong mo maunang matigok !"

 

 

"Sarrey.. okay? Sarrey !"

 

 

"Hmmm.."minulat ko ang aking mata at nakita ko sila Kei, Chelsea at Yumi na may pag-aalala sa kanilang mukha. Lumapit sila sa akin at hinawakan ni Chelsea yung kamay ko.

 

 

"Kath, may sasabihin kami sa iyo ! Wag kang mabibigla ha? Nandito lang kami para sa iyo"nakakabang sabi ni Chelsea. Si Kei ay hindi makatingin sa akin at si Yumi naman ay parang naiiyak.

 

 

"W-wag niyo nga akong t-takutin. Hindi magandang biro ito ! Ano bang nangyari? bakit ako nandito?"kinakabahang saad ko sa kanila.

 

 

"Kath, nawalan ka ng malay kanina sa garden kaya ka nandito.."saad ni Yumi na parang naiiyak na. Ano ba talagang nangyari? May sakit ba ako o ano? Mamatay na ba ako? "..at sabi ng doctor, kailangan mo daw mag-ingat ! Kailangan mo daw pangalagaan ang sarili mo.. dahil *sniff* Kath.. b-buntiss k-ka !"

 

Buntis ka..

 

Buntis ka..

 

 

Buntis ka..

 

 

 

O_________O

 

BUNTIS AKO?!?!?!

 

 

T*ngna. Buntis ako? Pano? Hindi naman ako nakikipag-ano.. Alam nyo na yun ! Alam kong virgin pa ko ! Hindi naman pwedeng mabuo na lang ito na mag-isa syempre dalawa kaming gumawa. Ano yun binuntis ko mag-isa yung sari--

 

 

 

"HAHAHAHAHAHA Pfft-- HAHAHAHAHAHAHA Di ko na kaya.."si Kei po yung tumawa tapos sila Chelsea at Yumi naman ay nagpipigil ng tawa pero hindi na rin nila iyon napigilan kaya't tumawa na din sila.  -________-

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant