Liam Zeke Fajardo

5.1K 164 0
                                    

Chapter 48

Kath POV

"Yes, I will. I will marry you Zach !"

This is what my mind wants, but I know my heart disagree. Lagi namang ganon diba? Ayaw ni puso, tapos sinasang ayunan ni utak. Tapos gustong gusto naman ni puso pero kumukontra si utak.

Naalis ang aking naiisip ng may maramdaman akong malamig na bagay sa aking daliri at malambot na labi. Sinuotan na pala niya ako ng singsing at hinalikan. Humiwalay ito at ngumiti ng matamis. Ngumiti na lamang din ako ngunit alam kong pilit.

"Thank you, babe ! I'm so happy. Thank you so much !"ginamit nito ang pambabae nitong boses kaya napangiti na lamang ako at niyakap ito.

Kung makikita mo ang itsura nito ay aakalain mong tunay na lalaki ito kahit hindi naman talaga. He's handsome and hot. At nakadagdag pa na nakadamit ito ng panlalaki kaya hindi mo iisiping gay ito.

Humiwalay ako dito at ngumiti. "Zach, punta lang muna ako sa C.R."bulong ko dito.

"Wait. Gusto mo samahan kita?"

"Aam. Wag na."nakangiti kong sabi dito. Napasimangot naman ito. "Sayang ! Sasamahan pa naman sana kita hanggang sa loob ng C.R."nanghihinayang sa sabi nito.

"Baliw."birong binatukan ko ito at ngumiti. Tumalikod na ako at dali daling lumabas ng bahay. Hindi naman siguro masama kung agad akong nagsunangaling sa fiance ko no?

I know that this is what I want. Pero bakit patuloy pa rin akong nasasaktan? Akala ko dahil gusto ko ito ay magiging masaya na ako. Alam kong sa desisyon ko ay palaging may nasasaktan na ayaw ko ng mangyari ngayon. Alam kong nasaktan ako noon ni Liam ngunit napatawad ko na ito. Napuno lamang ng paghihiganti at galit ang aking puso dahil sa kanyang ginawa kaya nagawa kong paglaruin ang damdamin ng mga lalaki . Ngunit nawala ang lahat ng ito nang dumating siya sa buhay ko. Xander..

Siya ang nagtanggal lahat ng galit sa puso ko sa hindi ko malamang bagay.

Siya ang muling nagpagana sa natutulog kong puso.

Pero siya din ang magbabalik sa akin sa ganoong sitwasyon. Na muli akong makakaranas ng sakit. Siya din ang dahilan kung bakit magpapakasal ako kay Zach.

Ngunit iba na ngayon, wala akong makapa na kahit anumang galit sa aking puso dahil puro pagmamahal na lamang ang natira dito para kay Xander.

Nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo papalabas ng aming mansyon. Lumabo ang aking paningin dala ng pamumuo ng aking luha.

"KAAAAAAAAATH !"

Napansin ko na lamang na may paparating na truck. Napako lang ako sa aking kinatatayuan, hindi alam ang aking gagawin. Omygosh. Ito na ba ang kamatayan ko. Mawawala na ba ako sa mundo? Waaa ! I will miss you world.

Patuloy lamang sa pagbusina ang truck nang may maramdaman akong tumulak sa akin at napunta ito sa aking ibabaw. Sinilip ko ito at napanganga sa aking nakita.

"Liam?"

Nagkasalubong ang aming mga mata at nakita ko ang pag-aalala at galit sa mata nito.

"Ayos ka lang ba, GabbieLove? Pero sabihin mo nga sa akin yung totoo, magpapakamatay ka o magpapakamatay ka?"sabi nito habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko. Nanatili lamang akong nakamata dito.

"Hindi mo ba alam na mas masakit ang masagasaan ng truck? Pwede namang uminom ng lason para mas madali. Sobrang pinag alala mo ako, alam mo ba yun?"sarkastikong sabi nito. Mas nakikita ko dito ang pag-aalala kaysa sa galit. Hindi ko alam ngunit niyakap ko na lamang ito. Kahit na hindi ko aminin ay sobrang namiss ko ito. I miss him. I really miss this pilosopo boy-- Liam Zeke Fajardo.

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang