Mahal na yata kita

5.8K 151 3
                                    

Chapter 22

Kath POV

"Challenge lang pala ang lahat sa'yo ! Haha. Nakakatawang isipin na natalo ako sa deal namin ni Nathan ! Kailangan lang kitang paibigin tapos iiwan na kita. Ang hirap mo talagang paibigin Kathleen Alexie Gabrielle Ramos. Akala ko ang dali mo lang mabingwit ! Pero okay na rin dahil makakawala na ako sa'yo ! Sayang, hindi ko makukuha yung kotse na yun ! Tandaan mo din ito, hindi rin ako magmamahal ng isang Kathleen Alexie Gabrielle Ramos !"sabi nya sa akin. Tinignan nya ako sa mata at galit..lungkot..sakit.. ang naipakita ko dito.

Sakit.. 'Yan lang ang namayani sa buong sistema ko. Pustahan na naman? Hindi na ba nagsasawa ang mundo sa kabibigay sa akin ng hirap. Bakit mas masakit yung idinulot sa akin ni Xander kaysa kay Liam?

Pinilit kong tanggalin niyon sa akin dahil ayokong makita ito ni Xander. Lumapit ako sa kanya at unti-unting nilapit ang aking mukha. Naglapat ang aming mga labi. Eto na ang huli, huling halik na mararanasan ko kasama sya.

"Let's break up !"sabi ko at pinilit na ngumiti. Ngumiti naman ito at tumalikod na. Hindi man lang sya lumingon, hindi man lang nya kinontra ang sinabi ko. Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay kumawala na sa aking mga mata. Nakatingin pa rin ako kay Xander na unti-unti ng nawawala sa paningin ko.

Tang*na ! Pustahan na naman ang dahilan para magpakita sa akin ng pagmamahal ang isang tao ! Bakit? Ang sakit.. Kung kailan mahal mo na, basta basta ka na lang nya iiwan. Kung kailan gusto mo ng totohanin, di pa pala pwede.

Galit? Kahit anong gawin ko bakit wala pa rin akong maramdaman sa puso ko, kundi pagmamahal. Ganun ba talaga yun? Sa sobrang pagmamahal mo, kahit ang sakit sakit na ay wala pa ring galit na namamayani sa puso mo. Ngayon ko lang narealize na..

"Nanalo ka Xander, ang sakit sakit na ! dito.. dito sa puso ko dahil..

mahal na yata kita !"

----------------------------------------------------------

Yumi POV

Friday. It was 2:47 in the afternoon at wala pa rin si Kath. Ano kayang nangyari sa babaeng yun? Nandito kami ni Kei sa bahay ni Chelsea dahil ngayon na gaganapin ang bonggang bonggang Freshmen Night. And it was like -- Ohmygee. Im so excited na.

Medyo maayos na si Chelsea sa hindi ko malaman na dahilan. May panahon pa din na tulala sya at umiiyak pero kapag nandyan naman si Jake ay nakukuha nyang ngumiti. Ewan ko dun sa babaeng yun, inlove na ata kay Jake.

"Yumi tinext mo na ba si Kath? Sabi nya pupunta daw sya dito after lunch tapos wala pa rin sya. Kanina ko pa sya tinatawagan pero walang sumasagot."sabi ni Kei na prenteng nakaupo sa couch habang kumakain ng ice cream.

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlWhere stories live. Discover now