Special Chapter 2

4.9K 119 9
                                    


"Let's go. Uwi na tayo."

Malambing na sabi sa akin ni Xander saka hinapit ang bewang ko. Tumango ako habang may ngiti sa aking labi. Kakatapos lamang ng date naming dalawa and it went well. Pumunta kami sa isang italian restau at kumain lang pero I am really happy.

Nangunot naman ang noo ko nang ngumuso ito. "Bakit ka nakanguso diyan?"may pagtataka kong tanong dito. Hindi naman ito kumibo at nagpatuloy lang sa pagnguso.

Tinampal ko na lamang ang nguso niya. "Tumigil ka nga sa kakanguso mo. Mukha kang kuhol." sabi ko sabay umirap dito.

"Aray naman. Meron ka naman ba? Palagi mo na lang akong sinasaktan.." sabi nito habang hinihimas ang nasaktang labi. Binatukan ko lamang ito. Delayed na nga ako ng ilang araw e. At saka talagang dapat ko siyang saktan, pulos landi lang kasi ang inaatupag.

"Pinapaligaya naman kita lagi a. Inaraw araw pa nga kita e. Bakit ang sungit mo lagi sa akin?"aniya. Namilog ang aking mata at mabilis na sinapak ang braso nito. How he can say that thing in public?

Tumalikod na ako dito at nauna sa kotse niya. Pagkaupo ko sa shotgun seat ay tinignan ko ito. Bakas sa mukha nito na pisikal na nasaktan ito. He is caressing his hurt arm while walking toward the car. Naguilty naman agad ako. Napapansin ko rin na palagi ko na lang siyang sinasaktan. Physically. Kinukurot, binabatukan, sinasampal, tinatadyakan, etc. Pagkatapos ay bigla ko na lamang itong lalambingin at tatanungin kung masakit ba, iiling lamang ito at yayakapin ako. Kahit na nakikita kong napapangiwi ito sa sakit.

I heave out a sigh. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin. But lately, I noticed that I'm a little bit weird. Minsan naiinis ako sa mukha ni Xander tapos papaalisin ko na lang siya. Biglang ayoko na rin ang amoy ng pabango niya kahit na ako daw ang bumili nun para sa kanya.

Napatingin ako sa singsing na nasa kaliwang kamay ko. Biglang namuo ang aking luha. Naging mabait ba ako na asawa? Yes. We were married a year ago. After graduation, dumiretso ito sa aming bahay at hiningi ang blessings ng aking magulang. At first, ayaw pumayag ng Daddy and it take months after he finally gave his blessings. And my wedding day comes and that was the happiest day of my life.

Nabaling ang tingin ko sa kakapasok lamang na si Xander. Nakangiti ito na tumingin sa akin. "Are you okay, wife?" Tumulo na ang aking luha. Nagpanic bigla ito at agad na pinunasan ang luha ko.

"Wife, I'm sorry. Hindi ko na ulit iyon gagawin. Don't cry, ple-"

Hindi na nito natapos pa ang sasabihin ng hapitin ko ang batok nito. I passionately kissed him and he responded with same intensity. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. I really love this man. Baka nga mahiya si forever sa pagmamahal ko sa kanya.

Lumalim ang halik at ramdam ko ang init sa pagitan naming dalawa. I want him badly. Ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumigil. "We need to stop. Baka hindi na ako makapagpigil at binyagan natin ang bago kong kotse."hingal na sabi nito at saka kinindatan ako. Namula naman ako ngunit nakangiti ko pa rin itong tinitigan.

Hinaplos ko ang pisngi nito at inayos ang nagulong buhok nito. "I'm sorry, husband. I love you." sabi ko sabay halik sa labi nito. Napangiti naman ito at niyakap ako.

"I love you too, wife."

Napagkasunduan naman naming umuwi na dahil bigla akong nakaramdam ng antok. Lately, I always feel sleepy. Siguro nga'y pagod lang ako lagi.

I automatically smiled when he intertwined our hands. Saglit na napatitig ako rito bago muling tumingin sa labas. Nahagip ng aking mata ang isang matanda na nagtitinda ng manggang hilaw at bigla akong natakam.

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlWhere stories live. Discover now