ANO?!

5.1K 135 1
                                    

Chapter 31

 

3rd person's POV

 

"Kath, sabihin mo nga sa amin yung totoo ! Mahal mo na ba si Xander?"sabi ni Kei na hindi naman marinig-rinig ni Kath dahil sa sobrang ingay ng paligid nila. Nasa Forget&Forgive Bar sila" ngayon dahil nag-aya si Kath na gumimik. Pero sa totoo lang ay gusto lang ni Kath na magpakalunod sa alak. Gusto nyang makalimutan si Xander kahit saglit lang pero hindi nya magawang uminom ng marami dahil sa nandyan ang mga kaibigan nya.

 

 

"A-ano?" 

 

 

"Ang sabi ko, MAHAL MO NA BA SI XANDERRR?!"malakas na sigaw ni Kei kay Kath na narinig naman ni Kath pero nagkukunwari syang hindi nya marinig. "ANO??!"malakas na tanong naman nya dito.

 

 

"Isa pang ano mo, maaano na kita dyan !"pagbabanta naman ni Kei.

 

 

 

"Ano ba kasing inaano mo dyan? Hindi kita maano e !" -______________- -Kath

 

 

 

"Alam ko namang naano mo na, masyado ka lang maano kaya ayaw anuhin yung ano ko !"-Kei

 

 

 

"Ano ba kasing inaano-- Ano ba yan nagaya na ako sa inyo ! Umayos nga kayo ! Kanina pa kayo ano ng ano dyan. Pagsasampalin ko kayo dyan e."badtrip na saway ni Chelsea sa mga kaibigan nya. Natahimik naman sila at ang tugtog na lang sa buong bar ang kanilang naririnig.

 

 

 

"O-oo..."pambasag ni Kath sa katahimikan. Mahina nya itong sinabi pero rinig nilang lahat. Napatingin sila kay Kath at napakunot ang noo. "Anong 'oo'?"tanong ni Kei.

 

 

 

"M-mahal ko s-sya..."nanginginig ang boses nya. "M-ahal na m-mahal ko na s-sya.."  nagsimulang tumulo ang mga luha nya na mabilis naman nyang pinahid. Tumingala sya para pigilan ang pagluha pero may sarili atang utak yung luha dahil tuloy tuloy itong dumaloy sa pisngi nya.

 

 

"Kath.."nag-aalalang sabi ni Chelsea at lumapit kay Kath para ito'y daluhan. Lumapit na din si Kei at Yumi para aluin si Kath. "Hussh.. Kath ! Please wag ka ng umiyak !"pag-aalo ni Yumi.

 

 

"Mawawala yung beauty mo nyan ! Naku, bahala ka !"pagbibiro naman ni Chelsea. Ngumiti naman si Kath ng pilit at pinunasan na ang kanyang luha. "Pwede bang iwan nyo muna ako ! Tatawag na lang ako kapag uuwi na ako !"request sa kanila ni Kath.

 

 

Nagkatinginan naman sila at umiling.

 

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon