Sino ka?

5.1K 142 5
                                    

Chapter 26

3rd person's POV

"Hmm.. aaa.." unti-unting minulat ni Xander ang kanyang mata. May dugo ang kanyang ulo, sugat sa kanyang braso dala ng pagkabasag ng salamin, at bahagyang naipit ang kanyang paa. Dahan-dahan nyang kinuha ang kanyang cellphone. Kailangan nya ng tulong ! Una nyang tinawagan si Kath pero wala, walang sumasagot sa tawag.

"Pleas-see.. answer the.. d*mn p-phone !" nahihirapan nyang saad.

Lumabas sya sa kotse kahit na nahihirapan sya. Paika-ika syang naglakad at bigla syang napaupo dahil sa hindi na kaya ng paa nya ang mag-lakad. "P-pleasee.. Kath !" pagsusumamo nya. Hindi nya namalayan na tumutulo na ang kanyang luha, hindi dahil sa mga sugat na natamo nya kundi dahil wala ng pakialam yung taong mahal nya. Narealize nya na MAHAL na nya.

Sinubukan nyang tawagan si Jake na agad naman nitong sinagot. 

"Hello !"- Jake

"J-jake.. He-helpp.. mee.. !" nahihirapang saad ni Xander.

"Bakit pare? Dinudumog ka ba ng mga fan girls mo?" may panunuyang sabi ni Jake.

"J-just.. aaw.. f*cking h-help.. me !" -Xander

"Xander, hindi magandang biro yan!" -Jake

Nawawalan na sya ng pag-asa na masasabi nya. Nagdidilim na ang kanyang paningin,nabitawan nya ang kanyang cellphone at napahiga. Hindi na nya kayang pigilan pa ang pagpikit nya.

"Xander? Xander answer me ! F*ck !" -Jake

"J-jake.. ple-ase.. !"

BLANK.

----------------------------------------

 Kath POV

*RINGGGGG*  *RINGGGGG*

"Hindi mo ba yan sasagutin?"sabi ni Dave habang kumakain ng fries. Nandito kami sa Mcdo dahil sa nagutom ako. "Hindi naman importante !"walang gana kong sabi. Kanina pa kasi ring ng ring ang phone ko at si Xander ang tumatawag. Hindi ko kasi alam kung anong pag-uusapan namin, mag-hehello ba ako? Basta, hindi pa ako handa na makausap sya.

"Paano mo naman nalaman na hindi importante kung hindi mo pa naman sinasagot?"sabay kain pa ng fries. Tinamaan ako dun dahil tama naman sya, paano ko nalaman na hindi importante kung hindi ko naman sinagot? Hindi ko na lang sya sinagot.

"Importante ba ako sa iyo?"out the blue na tanong ni Dave.

"Oo naman. Friend kita e !"sabi ko. Totoo naman ang sinabi ko na mahalaga sya dahil kaibigan ko naman talaga sya. Ngumiti sya ng malapad at sinabing : "So pwede mo na akong sagutin?"seryosong saad ni Dave.

"Huh?" -////////////-

"HAHAHAHAHAHAHA. Joke lang !"natatawang sabi ni Dave. Masyado kasi syang seryoso kaya napa-huh? na lang ako. But I'm happy kasi joke lang, ayokong paasahin sya dahil mayroon ng nagmamay-ari ng puso ko. Corny !

*RINGGGG*  *RINGGGG*

"Sagutin muna kasi.."sabi nya at ngumiti. Tumango naman ako at kinuha na yung cellphone ko. "ako.."dagdag pa nya. Kumunot ang noo ko at sya naman ay humagalpak ng tawa. Pinaghahampas ko sya dahil kanina pa nya ako pinagtitripan. =3=

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon