His reasons

4.5K 117 4
                                    

Chapter 43

Xander POV

"Saan ka pumunta? Bakit ka tumakas?"mahinahon ngunit maaaninag mo ang galit sa kanyang boses. Hindi ako kumibo, nanatili lamang akong nakaluhod sa harap niya.

*slap*

Napatabingi ang aking mukha dahil sa lakas ng kanyang pagsampal. "Ginag*go mo ba ang anak ko? Ha ?! Binuntis buntis mo siya pagkatapos ano? Tatakasan mo !"malakas na sabi niya sa akin. Umiling iling ako at pinunasan ang dugo sa aking mga labi. Masakit na ang aking katawan kaya't ayoko ng dagdagan pa. "H-indi.."mahinang sagot ko.

Napasmirk siya. "So anong ginagawa mo sa janitor's room kasama ang syota mo.."mariin ang kanyang pagkasabi. Nagulat ako kung paano niya nalaman na nandoon ako. Ngumisi siya at pinaglaruan ang hawak hawak niyang baseball bat. "Ano bang gusto mong mangyari Mariano? mapahamak ang syota mo... o lalayuan mo siya at pananagutan ang ginawa mo sa anak ko?"nakaramadam ako ng takot. Hindi para sa aking sarili kundi para kay Kath. Ayoko siyang masaktan, ayokong maranasan niya yung hirap at ayokong mapahamak siya ng dahil sa akin.

"A-ng toto-to.. n-iyan a-y h-indii.. ako ang a-ma ng ipinagb-ubuntis ni Step-hie... M-ani-- *bam* Aww !"napasuka ako ng dugo at namilipit sa sakit dahil sa pagpalo niya ng baseball bat sa tiyan ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko at pinanlisikan ako ng mata.

"So, ipinapalabas mo na disgrasyada ang anak ko? ha? Wag ka ng magkaila pa ! Ikaw ang itinuturo ng anak ko na bumuntis sa kanya !"binigyan niya ako ng isang malakas na suntok kaya tumilapon ako.

Narinig ko na may tumawag sa kanya sa telepono. Nanatili lamang akong nakahiga sa sahig at iniinda ang mga pasa at galos na natamo. Maya maya'y naramdaman ko na papalapit siya sa akin. "Hindi pa tayo tapos Mariano. Pag-isipan mong mabuti, mamatay ang syota mo o pananagutan ang anak ko?"iyon ang mga salitang narinig ko hanggang sa narinig ko na lamang ang pagkalabog ng pinto.

Pinilit kong tumayo ngunit hindi ako nagtagumpay. Gumapang ng lamang ako papunta sa sulok at humilig sa pader.

Pumikit ako at nakita ko ang umiiyak na Kath, nagmamakaawa at nahihirapan. Nakaramdaman ako ng pagkirot sa aking puso. Hindi ko ninais na pasakitan siya, ginusto ko lang siyang protektahan.

Nang malaman ko na mahal niya rin ako ay hindi maipaliwanag na kasiyahan ang aking naramdaman.

*flashback*

Inangat niya ang aking mukha at muling hinalikan. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at may ibinulong na nakapagpatigil sa akin.

"I love you Xander..."

I love you Xander.

I love you Xander.

May kung anong sumabog sa aking puso. Hindi maipaliwanag na saya ang bumalot sa aking pagkatao. Mahal ako ni Kath, mahal ako ng taong mahal ko.

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя