Letter

4.7K 122 6
                                    

Chapter 50

Stephie POV

"Liam, ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?"naiinis na sabi habang akay akay ni Liam.

Tumingin ito ng seryoso sa akin inakay ako papuntang parking lot."Liam, kailangang nasa tabi lang ako ni Xander."sabi ko dito habang ipinipiglas ang aking kamay.

Nagpatuloy lamang ito sa paglakad ngunit nakikita ko ang pagkalukot ng mukha nito. Ipinasok na ako nito sa kotse at mabilis na sinarado kaya hindi na ako nakatakas pa. Pinaandar na nito ang kotse at tumingin na lamang ako sa labas.

Bipolar talaga ito si Liam ! Kanina nakangiti pa siya kay Kath na yun tapos kapag ako lukot yung mukha niya. Unfair ! Pahawak hawak pa siya sa kamay nito na parang madaling mabasag pero kapag ako, grabe kung makahatak. Ugh. Nakakakulo ng dugo.

'Bakit ko nga ikinocompare ang sarili ko e, hamak na mas maganda naman ako dun, tsk.'I said to myself.

"Di ba sabi ko bantayan mo lang si Kath? Bakit lumalapit ka sa kanya?"binasag ko ang katahimikan sa pagitan namin. Tsaka kating kati na rin ang dila kong magtanong. Tinapunan ako nito ng tingin at binalik na sa harapan ang atensyon nito, gaya ng kanina pa niyang ginagawa.

"Gusto ko lang.."matipid na sagot nito sa akin na kinainis ko. 'Ang dahilan kung bakit niya nilalapitan si Kath ay dahil gusto niya.'may kung anong kirot akong nadama at agad kong pinalis ito.

"Kung gusto mo pala sa kanya e dapat hindi ako ang isinama mo rito. Dapat sana kasama ko ngayon si Xander."naiinis na sabi ko dito. Nakita ko ang paghigpit ng hawak nito sa manibela at pag iba ng awra nito.

"Kaya nga IKAW ang isinama ko dito kasi mas gusto ko.."nakapagpadala ito ng mga paru paro sa akin na kumikiliti sa buong pagkatao ko. Nakaramdam ako ng pangingilid ng mata. Tsk. Tang*nang hormones 'to ! Inis !

"FYI a ! Kung ikaw mas gusto mo akong kasama. Ako naman mas gusto kong kasama si Xander kaya ibalik mo na ako doon."itinago ko ang pangiti at pinipigilan ko ang aking kilig. 'Letse ka talaga Liam ! Ano ba itong ginagawa mo sa akin?'Hindi ito kumibo at hindi na muling tumingin sa akin. Ugh. Bakit ba siya ganyan?

"Ano bang sasabihin mo a? Sabihin mo na lang para makabalik na agad ako kay Xander--"nagulat na lamang ako ng bigla niyang ipreno ang sasakyan.Tumingin ito ng matalim sa akin, mata sa mata. Agad ko ding ibinaling ang aking mata sa ibang direksyon. Nakakatakot ito.

"Bakit ba lagi ng lang si Xander ang hinahanap mo? Nandito ako, Stephie ! Bakit ba hindi mo marealize na si Xander ay para kay Kath? BAKIT ?!"pasigaw na sabi nito sa akin. Kailanma'y hindi sumagot ng pasigaw sa akin si Liam. He was always gentle to me. Nagsimulang magtubig ang aking mga mata. Natatakot ako sa kanya.

"Magsalita ka ! Bakit? Bakit sa kanya mo ibinibigay ang responsibilidad na dapat ako ang nananagot? Alam mo na ako ang ama ng batang dinadala mo pero bakit mo ibinibigay sa kanya?"may hinanakit na sabi nito sa akin. Napasinghap lamang ako at nagunahang tumulo ang aking mga luha. I feel that he is hurting. At nararamdaman kong muli ang sakit ng kahapon at doble itong bumabalik sa akin.

Hinawakan nito ang aking balikat at pinaharap ako nito. Nagkatagpo ang aming mata at hindi ko napigilang lumuha. "Come back to me, baby. Please.. You and our unborn baby are my life. I can't live without you." He looked devastated, hurt and helpless. At nagbigay ito ng matinding kirot sa aking puso. Nalusaw lahat ng sama ng loob at galit ko at natira na lamang ay ang pagmamahal ko dito. I realized one thing: Hindi ko kayang makita ang mahal ko na nasasaktan. I surely love Liam. I never stop loving him.

But I am afraid.

Afraid that I will see a devastated Stephie again. Crying all day long, weeping and hurting. Nakikita ko pa lamang na ganoon ang mangyayari ay natatakot na ako para sa amin ng baby ko. Kahit na hindi pa siya ganoon kalaki ay nararamdaman ko ito. I love my unborn baby.

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlWhere stories live. Discover now