Chelsea

4.6K 150 5
                                    

Chapter 19

Jake POV

"HOY KAYO ! NASAN SI CHELSEA?"

Lagot ! Yumuko ako upang hindi nila mapansin na nagpipigil ako ng tawa. Hindi pa rin sya nakakaalis sa loob ng CR at sigurado akong hirap na hirap syang magtanggal ng grasa sa mukha. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Kath na masamang nakatingin sa akin. Yumuko lang ulit ako at napakamot sa ulo.

"Jake, nasaan si Chelsea?"mariing saad ni Kath.

"Aah ano.. Aaa. Uhm... Doon !"nauutal na sabi ko at itinuro ang C.R. Tinignan lang ako ni Kath ng bakit-siya-nandun-look? Yumuko na lang ulit ako at umiling iling.

Natanggal na ang pagkakabitin ni Yumi at sama-sama kaming nagtungo papuntang C.R.

"Chelsea ! Nandiyan ka ba?"sabi ni Kath sabay katok sa pinto.

"Waaa ! *sniff* TULONG ! PLEASE BUKSAN N-NI-IYO NA ITO ! *sniff*"nauutal na sigaw ni Chelsea.

"OH. MY. GOSH ! CHELSEA ! OKAY KA LANG BA?  Chelsea, nandito na kami ha !"natatarantang sabi ni Yumi. Pati na rin sila Kath at Kei ay nataranta na. Ano bang nangyayari?

"Please, tama na ! Wag.. Kuya ! Huhuhu.. *sniff* KUYA !"takot na takot na sabi ni Chelsea. Nagsimula na sila Kath, Kei at Yumi na magpanic at nagsisimula ng magtubig ang kanilang mga mata.

"Babe, ano bang nangyayari?"mahinahong tanong ni Xander.

"Xander, mamaya na!"mahinang sabi ni Kath ma syang pagdating ni Troy dala ang susi. Mabilis itong hinablot ni Kei at nagsimulang hanapin yung susi.

"WAAAAAA ! TAMA NA PO.. KUYA ! PLEASE.. KUYA tama na po ! WAAAAA! Huhuhuhu.."

"Sh*t ! Magpakita ka !"nagmamadaling saad ni Kei. Nakatingin lang kami sa mga babae at hindi ko maiwasang isipin kung ano ang nangyayari?

Pagkakita ni Kei ng susi ay dali-dali niyong inunlock yung pinto. Pagkabukas ng pinto ay nakita namin si Chelsea na nakaupo at nanginginig. Nakalagay ang kanyang kamay sa dalawa niyang tenga na parang may mga naririnig syang ibang boses.

"Chelsea, nandito na kami ! Hindi ka namin iiwan !"mahinang sabi ni Kei sabay yakap sa kanyang kaibigan. Mabilis naman syang itinulak ni Chelsea.

"WAAAA ! TAMA NA ! KUYA ! TULUNGAN NYO KO ! TAMA NA PLEASE !"nanginginig na sigaw ni Chelsea. Nagsimula namang maghagulgulan ang mga babae.

Lumapit kami kay Chelsea para tumulong pero pinigilan na agad kami ni Kath. "Please... Lumabas muna kayo ! Magiging okay din ang lahat.. Kami na ang bahala dito !"naiiyak na sabi ni Kath. Nagsi alisan na sila at ako ay nakatayo lang habang tumitingin kay Chelsea. Nagiguilty ako ! Hindi ko akalain na mangyayari to.

"Jake, tara na ! Hayaan muna natin sila."mahinang sabi ni Troy sabay tapik sa akin.

Lumabas ako dun na naguguluhan at the same time nakokonsensya. Im sorry Chelsea ! Sorry.

-------------------------------

Yumi POV

Tinitignan ko ngayon si Chelsea na nakatulala at tahimik na umiiyak. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bumalik na naman sya sa dati nyang katauhan. 2 years ago,ganitong ganito si Chelsea. Iyak ng iyak minsa'y sumisigaw at palaging tulala. Mga isang taon ang ginugol upang makalimutan niya yung nangyari. Sa loob ng isang taon na iyon ay kami ang naging kasama nya sa lahat ng hirap. Nakalimutan nya pero alam naming nakatatak na sa isip nya yung nangyari. Kung anong nangyari? Siguro hindi ako ang dapat magsabi !

"KUYAAAAAA ! ITIGAL NYO NA ! PLEASEEE ! TAMA NA !"

Mabilis akong pumunta kay Chelsea dahil nagsisimula na naman syang magwala. Niyakap ko sya at hinagod ang likod nya. "Sssh.. Nandito na kami ! Tahan na !" pag-aalo ko kay Chelsea. Mga ilang araw ng ganito si Chelsea at halinhinan kaming magbantay sa kanya. Pagkatapos nung Movie Marathon namin sa bahay nila Kath ay hindi na namin masyadong nakakasama ang Four Prince.

"Chelsea, gusto mo na bang kumain? Hindi ka pa kumakain ng maayos! Kuhaan na kita a"sabi ko kay Chelsea. Hindi nya lang ako inimik kaya tumayo na ako para kumuha ng pagkain.

*Ding-dong* *Ding-dong*

Agad akong pumunta sa pinto para pagbuksan at nakita ko naman si Jake na may dalang prutas at pagkain. "Oh Jake ! Pasok ka na !" sabi ko kaya pumasok naman sya. "Kamusta na si Chelsea?" tanong agad ni Jake. Simula nung nangyari kay Chelsea ay laging pumupunta si Jake para bisitahin si Chelsea.

"Ganon pa rin ! Tulala at laging umiiyak"malungkot kong sabi at tumango lang sya.

"Yumi, ano ba talagang nangyari kay Chelsea? Bakit ganun sya?"tanong nya. Tinignan ko lang sya at umiling. "Wala ako sa puwesto para magsalita ! Kahit na gusto kong sabihin sa iyo. Wala akong karapatan ! Sorry."sabi ko at ngumiti lang sya.

"Ay oo nga pala ! Pwedeng ikaw muna ang magbantay kay Chelsea ! Kasi kailangan ko pang pumunta sa bahay ! Salamat !"sabi ko at mabilis na tumakbo palabas. Sana maging maayos ka na Chelsea.

<3 <3 <3 Sorryna ! Ngayon lang ako nag-UD :) Please support pa ! Happy 300 reads ! Loveyou <3 Sorry, masyadong hindi in line sa story pero ito po ang magiging content ng next kong story. The story of Jake & Chelsea ! Wala pa akong mahanap na title !

Vote ! Comment ! Share !

#CutienessOverload

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlWhere stories live. Discover now