Pain :'(

6.8K 227 12
                                    

Chapter 7

Naglalakad ako papuntang school ng may nakabangga akong isang lalaki. Maputi, matangos ang ilong, mapulang labi at expressive eyes.

"F*ck. Tumingin ka nga sa dinadaan mo!"sabi nya. Gwapo pero walang hiya. -_-

"At ako pa. Sino bang nagmamadali dyan at nakayuko pang maglakad? ako ba ha?"sigaw ko sa kanya. Buti nalang gwapo ka , baka nasapok na kita.

"Kilala mo ba kung sino ang kinakalaban mo?"mariin nyang sabi.

"Oo. isang lalaki na ubod ng yabang na siyang nakabangga sa akin"sabi ko at tinignan siya ng masama.

"Psh. Wag na wag kang magpapakita sa akin kung ayaw mong may mangyaring masama sayo"sabi nya at nagevil smile. waaa!

Tumalikod na lang ako at hindi na lumingon, mamaya kasi rapist pala yun :( huhu.

Simula nung banggaan scene namin ay lagi kaming pinagtatagpo ng tadhana dahil kaklase ko pala siya. 3rd yr pa ako nun. Bawat araw ay laging pang aasar ang inaabot ko sa kanya.

Ngunit isang araw, nagkaroon siya ng girlfriend  kaya yun na ang napagtuunan nya. Di ko alam kung matutuwa ako dahil wala ng mang aasar pero nainis pa ako . Ewan ko ang weird ng feeling.

"Hey Liam help me !"sabi nung gf ni Liam. Naku! Nakakainis ang landi ng babaeng ito.

"Okay. Akin na!"sabi naman ni Liam. Ito din e malantod ! Haisst.. banas!

Umalis na lang ako at hinanap si Chelsea. Nakita ko syang nakatitig sa akin na parang naaamuse sya.

"Anu yang mga tingin na yan Chelsea?"sabi ko.

"Umamin ka nga sa akin, inlove ka na ba kay Liam kaya ganyan mo tignan yung gf nya?"sabi nya na nagpaisip sa akin. Mahal ko na ba siya? Masaya ako pag nangaasar sya, naiinis ako kapag may ibang lumalapit sa kanya. Naiinis din ako pag di ko sya nakikita.

"Hindi ko alam Chelsea. Hindi ko alam!"sabi ko sa kanya. Tumawa ulit sya. Grabe! Ang bait mong kaibigan! -_-

"Alam mo inlove ka ! Imbis na mainis ka pag inaasar ka nya nakangiti ka! Naiinas ka pag wala sya at nagseselos ka pag may kasama syang iba!"sabi ni Chelsea. So makata na pala sya ngayon? :)

"Alam mo mahal ka rin siguro ni Liam! The way na tinitignan ka nya ay may sparks. Ikaw lang yung nakikita kong laging inaasar nya na parang gustong kunin ang atensyon mo. At minsan nahuhuli kong nakangiti sya habang nakatingin sayo."dagdag nya. Ako? Gusto ni Liam?

"Eh anong gagawen ko para malaman kong mahal ko nga sya?"nacucurious kong tanong.

"Napakadali lang. Ang mapefeel mo pag nandiyan siya ay pagbilis ng tibok ng puso mo at pag hinawakan ka nya ay nanlalambot ka na parang gellatin. Mahal mo na siya pag ganun kalakas ang impact!"sabi nya. Lahat yun! Naramdaman ko na pag nandiyan sya. So mahal ko na nga talaga sya pero hindi ko alam kung mahal nya rin ako.

Pagkatapos kong kausapin si Chelsea ay umuwi na ako. Iniisip ko kung mahal nya ba ako? totoo kaya yung sinabi ni Chelsea?

Nasagot lahat ng katanungan ko ng manligaw si Liam sa akin. Mga ilang buwan din syang nanligaw at sinagot ko na din sya. Naging masaya ako pag nandiyan siya at ganun pa rin ang epekto nya sakin. Ang tawag niya sa akin ay GabbieLove para daw unique at ako naman ay Flatops kase yun yung favorite nyang chocolate.

Ngayon ang aming monthsarry at gusto ko syang surpresahin. Ngunit nawala na ang saya  ng marinig ko sya at ang isa pang lalaki na nag uusap.

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon