Paligsahan ng mga Banda

5.3K 143 8
                                    

Chapter 38

Kath POV

Nandito kami sa ilalim ng puno, nakatitig lang sa isa't isa. Walang kumikibo. I see disappointment in their eyes. "G-irls..."mahinang sabi ko sa kanila ngunit sakto lamang ito para marinig nila. Wala na namang response.

Napayuko ako. Alam ko kung ano ang gusto nilang sabihin ko. Kung bakit ako bumalik sa pagiging player? Sasabihin ko naman e. Kailangan ko lang ng mga taong--

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Tumunghay ako at nakita ko si Yumi, Kei at Chelsea na nag-aalalang nakatingin sa akin. Mas lalo lang akong napaiyak.

I really love my BFFs. Tinuturing ko na silang mga kapatid ko. Kahit na iba iba kami ng ugali at mga gusto, nagkakasundo naman kami sa isang bagay, ang pagmamahal namin sa bawat isa. "So anong kadramahan ito? Iexplain mo na Kathleen Alexie Gabrielle Ramos !"teary-eyed na sabi ni Kei.

"Kahit kailan ka talaga Kei Marie ! Napakaharsh mo !"sabi ko sa kanya. Napangiti na lang ako. Huminga ako ng malalim.

"Ang tagal naman, hinga pa ! O inhale ! exhale ! inhale ! ex-- aray ! Bakit mo ba ako binatukan? "naiinis na sabi ni Yumi. Natawa na lang kami.

"Sasabihin ko na e. Tapos umentra entra ka diyan ! Inis !"sabi ko. Nagpeace sign si Yumi. Tumawa na lang ulit kami. Tinignan ko si Chelsea na kanina pa nakabungasot sa cellphone niya.

"Chelsea !"tawag ko sa kanya ngunit hindi naman ito kumibo. Nagpatuloy lang ito sa pagtingin sa cellphone niya. "Chelsea !"tinawag ko siya ng malakas ngunit wala pa rin.

"OY SI JAKE O ! JAKE !"sigaw ko. Nataranta naman si Chelsea at napalinga linga kaya napatawa kami.

"Nasaan? Nasaan?"sabi niya habang lumilinga-linga.

"Nasa puso mo, nagkakape !" natatawang sabi ni Yumi. Napasimangot naman si Chelsea at hinang hina na umupo. Kinantyawan naman siya nina Kei at Yumi tungkol kay Jake.

Pinagmasdan ko lang sila. I know that they will not judge me for who I am. Kailangan ko lang ng oras para masabi sa kanila. And this is not the time para sabihin ko iyon. Itatago ko lamang ito sa aking sarili.

"Girls, tama na yan ! Kailangan na nating maghanda.."sabi ko sa kanila.

"Omygee.. May typhoon bang darating? O dadating yung EXO ? KYAAA ! I'm so kinikilig na--Ouch !"binatukan ni Kei si Yumi kaya napanguso naman ito.

"Maghahanda tayo para sa kainan ! KYAAA !-- Aray !"binatukan naman ito ni Chelsea. Napatawa na lang ako.

"Tumahimik nga kayo diyan. Ano ba kasing dapat paghandaan Kath?"nakakunot na tanong ni Chelsea.

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlWhere stories live. Discover now