Akin ka na lang

4.9K 137 5
                                    

Kei POV

"Inhale, exhale !"sabi ko habang humihinga ng malalim. This is our big day. At ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Unlike dati, I'm always confident in performing. Siguro, ayoko lang na asarin ako ni Troy kapag nagkamali ako at ayokong maturn off sa akin si Russel. I really like him kasi. Yieee !

Kahit isipin ko pa lang siya, kinikilig na ako. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin at napangiti ako. Ang sarap lang kumanta ng 'I'm so excited ! And I just can't hide it !'I giggled.

Lumabas na ako sa dressing room at hinanap sila Yumi, Chelsea at Kath. Nasaan na kaya yung mga yun? Ang ganda nilang maging kaibigan a. Hindi man lang ako hinintay. Napasimangot ako.

Napansin kong padami na rin ng padami ang mga tao dahil mga ilang minuto na lang ay magsisimula na ito. Una kong nakita si Yumi na tuwang tuwa na hinahabol ni Drake. Halos lahat lang naman ng tao ay nasa kanila na ang atensyon dahil kakaiba si Drake kapag kasama si Yumi. Nakita ko na rin si Chelsea na galit na galit kay Jake at si lalaki naman ay nag eexplain. Tapos maya maya'y ngumiti si Chelsea na parang kinikilig.

Napailing ako.

May mga lovelife na sila tapos ako, nganga kain bubog. Matagal akong nagmasid bago ko nakita si Kath na puno ng pagmamahal na nakatingin kay Xander. Nakangiti siya ngunit alam kong hindi siya masaya. In love na din ang BFF ko.. sa maling lalaki nga lang ! Nalungkot ako sa kalagayan niya. She love him but he did'nt love her.

Nakita ko naman si Russel na.. nakatingin kay Kath at puno ng kalunglutan ang kanyang mga mata. Siguro parehas lang kami ni Kath ng kalagayan. I like Russ but he did'nt like me. Like lang ito at alam ko na wala pa sa kalingkinan ng love ang like.

Napabuntong hininga ako.

"Ang pangit mo na nga ! Nalungkot ka pa ! Edi double pangit ka na !"mapang-asar na sabi ng lalaking kahit magsalita lang ay kilala ko na, si Troy. Nandito na si 'Sulpot King', kung saan saan kasi bigla biglang susulpot.

"Wow ha ! Nahiya ako sa mukha mo e ! Ang gwapo mo pre !"sarkastiko kong sabi.

"Alam ko naman yun Ms. Sungit e ! Don't state the obvious !"sabi niya sa akin. Tumingin ako sa kanya ng hindi-ako-naniniwala look.

"Ano ?nagagwapuhan ka na ba sa akin?"nakangisi niyang sabi. Tinignan ko siya with matching taas ng kilay. "Hindi."mariin kong sabi sa kanya.

"Aminin mo na kasi na nagagwapuhan ka ! Ramdam ko naman e !"

Narinig kong mag-iistart na yung laban kaya tumalikod na ako. "Dream on !"pahabol kong sabi sa kanya. Narinig ko pa na tinatawag niya ngunit hindi ko na siya pinansin. Pumunta na ako sa gilid upang doon ay manood.

------------------------------

3rd person's POV

"Let's give a round of applause to KING OF HEARTS BAND !"deklara ng emcee. Napuno ng tilian nang biglang mamatay ang ilaw.

Lahat ng mga mata ay nakatutok lamang sa harapan at hinihintay ang pagbukas ng ilaw. At nang tumutok ang spotlight kay Russ.

"KYAAAAAA ! I LOVE YOU RUSS !"

"KYAAA ! PLEASE MARRY ME !"

"ANG GWAPO MO TALAGA ! KYAAA !"

Napuno ang tilian ang buong lugar. Ngunit may isa namang naiinis, si Kei. Naiinis siya sa mga 'babaeng makakati' na nagsasabi ng kung ano ano kay Russ niya at naiinis din siya sa lalaking kanina pang nangungulit sa kanya, si Troy.

"I dedicate this song to the woman I like. Alam ko na nandito ka ngayon at nanonood. This is for you..."litanya ni Russ na nagpalakas pa ng tilian ng mga kababaihan.

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlWhere stories live. Discover now