Freshmen Night (1)

5.3K 150 8
                                    

Chapter 23

Xander POV

Freshmen Night. Nandito kami -- Drake, Troy at ako sa isang table at hinihintay namin si Jake. Boring -___- Ang tahimik ni Drake at busy naman sa pambabae itong si Troy. Ako? Wala ako sa mood, makipag-usap sa mga babae dito.

"Grabe ! pare, ang ganda talaga nung Kath !"

"Oo pare. Naging gf ko na yun e kaso mga 5 hours lang yung tinagal"

"Hahaha. Bet ko yung bestfriend nung Kath si Kei ata yun."

"Pati yung Yumi pare, chicks"

"Ang hot nung Kath ! Gusto ko maging gf !"

Napantig yung tenga ko sa mga sinasabi ng mga kalalakihan tungkol kay Kath. Tinignan ko sila ng masama na parang magsitahimik-kayo-look. Kaya tumahimik sila at nahagip ko naman si Kath na naka-red cocktail dress. Tinitigan ko sya kasama yung mga kaibigan nya at agad ding nag-iwas. 

"Hello guys !"bati ni Yumi sa amin. Ngumiti lang si Kath at si Kei. "Woah, Kei ! Ikaw ba yan? Ang ganda mo ngayon a."sabat ni Troy.

"Ngayon lang?"-Kei

"Oo. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA !"-Troy


Nagsimula na silang magbangayan at ako naman ay nakatitig kay Kath. Maamong mga mata, brown eyes, matangos na ilong at mapupulang mga labi. "What?"masungit na sabi ni Kath. Ngumiti lang ako at umiling-iling. Naalala ko yung nangyari kagabi, hindi ko alam kung bakit naguilty ako. Sa lahat ng ginawan ko ng kalokohan, sa kanya lang ako naguilty at sa kanya lang din ako nasaktan. Nasaktan? Oo, nasaktan ako dahil nasaktan ko sya at naiisip ko yung mga bagay na naging masaya ako kasama sya na kahit kailan ay hindi ko na mararamdaman ulit.

"Pare, Baka matunaw si Kath !"sabay akbay sa akin ni Troy. Tinignan ko sya ng matalim kaya tinanggal nya yung kamay nyang nakaakbay sa akin. "Easy bro !"

"Aam. Boys, Punta muna kami doon a !"paalam ni Yumi sa amin. Kanina ko pa napapansin na hindi man lang nagsasalita si Kath at nakatingin lang sa kung saan. Tinignan ko lang si Kath habang papunta sila sa isang table. Maya-maya'y nilapitan sila ng 3 lalaki at kinausap. Ngumiti naman sa kanila si Kath. Sh*t ! I miss those smile. I miss those lips. I miss those eyes. I miss every inch of her. Damn >__<

Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa mga nakikita ko. Tumatawa sya at ngumingiti sa ibang lalaki at ayoko nun. Ako lang dapat ang magpapasaya sa kanya. Ako lang !

'Sinaktan mo nga sya di ba? Pagpapasaya ba yun? Pinaiyak mo sya!'sabi ng isip ko.

'I know ! I know ! Pero f*ck.. ako lang dapat ang magpapasaya sa kanya !'sabi ko naman.

'Edi gawin mo !'dikta ng isip ko.

Gawin? Pano nga ba napapasaya ang isang babae? Bibigyan ng flowers? chocolates? Pero masyado ng common yon ! Tsaka isang Kathleen Alexie Gabriel Ramos? Alam kong kulang pa yon para sumaya sya ! F*ck ! Wala akong maisip !

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Troy.  "Troy !"tawag ko sa kanya. Siguro naman makakatulong sa akin itong mokong na ito ! "Hmm? Bakit?"sabay lapit sa akin. Paano ba ito?

"Aam.. e.. ano.."nauutal kong saad. Kumunot ang noo nya at mas nilapit ang tenga nya sa akin. Aish ! Paano ba? "Ano bang pwedeng... gawin para ano.. aam.. mapasaya mo.. aam.. yung ano.. isang babae?"nauutal kong sabi. Tumawa naman sya kaya tinignan ko ng masama.

"Okay, okay ! Pero.. Xander? Ikaw ba talaga yan?"sabay lagay ng kamay nya sa noo ko. 

"Wala ka namang lagnat ! May sakit ka ba?"sabi pa nya. *death glare*

"Chill ! Kalma lang ! Ano nga ba?"sabay lagay ng kanyang kamay sa baba na para bang nag-iisip. "Aaa ! Dalhin mo na lang  sa hotel tapos alam m-- Aww ! Aray naman!"sabi nya kaya binatukan ko. 

"Mga kalokohan mo talaga Troy ! Hindi naman sya ganung klaseng babae !"sabi ko. Ang green talaga ng lalaking ito ! "Bakit ka pa kasi sa akin nagtatanong ? Ikaw itong expert sa pagpapasaya ng mga babae tapos tatanong-tanong ka sa akin !"sabay himas sa batok nya.

"Sasagutin mo ba o sasagutin mo? Sagot !"sabi ko.

"Pre ! Ano bang pagpipilian dun? Parehas lang e!"aniya. Itinapat ko sa mukha nya yung kamao ko. "Kalma pare ! Eto na.. aam kung kantahan mo kaya?"suhestiyon nya.

"Kantahan?"

"Hindi pare ! Tulaan mo. Kakasabi lang diba?"pilosopong saad nya. Tinignan ko sya ng masama at nag-peace sign lang sya. ^_____^v

"Troy, tawagan mo si Jake ! Sabihin mo kailangan ko ng tulong nya. Tawagin mo na din si Drake!"bilin ko kay Troy. "Aye aye captain !"sabay salute nya.

Kung kakantahan ko sya ? Magiging masaya kaya sya ? Kahit ngumiti man lang sya. Kahit para sa kanta na lang at hindi sa akin. okay lang ! Basta ako ang magpapasaya sa kanya ! Kath.. Sana maging masaya ka. Sana sa kakantahin ko, makita ko ang pinakamatamis mong ngiti. Sana...

 

<3 <3 <3 Suggest kayo ng kakantahin ! Pleaseee :) Haha. Salamat po sa suporta nyo. Be a FAN ! Vote ! Read ! Share ! Comment ! Salamat :) #MPMMP !

#CutienessOverload

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlWhere stories live. Discover now