Let's break up !

5.3K 164 13
                                    

Chapter 21

Xander POV

"Sino naman yang kasama mo? Boyfriend mo?"mariin kong tanong kay Kath habang masamang nakatitig sa mukhang asong lalaking kasama nya. "Ano bang pinagsasabi mo Xander? Kaibigan ko lang sya okay?"pagsisinungaling nya. I clenched my jaw at napabaling ako sa takot na si Kath.

"Sigurado ka? E kulang na lang maghubad ka sa harapan niya. Ang landi mo ! May boyfriend ka pero lumalapit ka pa sa iba--"hindi ko na natapos ang akin sasabihin ng lumipad ang kanyang mga palad sa pisngi ko. Napabaling ang ulo ko sa kabilang direksyon. Nakuha namin ang atensyon ng mga tao doon.

"Nakakahiya naman sa iyo Xander. May girlfriend ka din pero ano... nandun ka nakikipaglampungan sa iba. Tapos malandi ? Ako pa ngayon, KAIBIGAN ko lang sya kaya wala ka ng dapat ipag-alala. Pumunta ka na doon, baka hinihintay ka na !"naiiyak nyang sabi.Nakatingin lang ako sa kanya na nakayakap sa lalaking aso at umiiyak. "Sige na pare, ako na ang bahala sa kanya !"sabi sa akin nung aso.

"Bitawan mo sya !"mariin ko sabi. Hinawakan ko ang kamay ni Kath at hinatak papunta sa akin ngunit hindi naman sya binitawan ng lalaki. "Pare, ako na ang bahala sa kanya ! Hindi makakabuti kung ikaw ang maghahatid sa kanya"aniya at mas hinigpitan pa ang yakap kay Kath. 

Tang*na talaga ! Ang sarap bangasin ng pagmumukha nya ! Walang sinuman ang may karapatan na humawak o yumakap man lang kay Kath. At ano? Hindi makakabuti kay Kath kung ako ang maghahatid sa kanya. Mabilis kong hinigit ang kwelyo nung lalaking aso at binigyan sya ng isang malakas ng suntok sa pisngi. 

"XANDER ! ANO BANG GINAGAWA MO?"galit na sigaw sa akin ni Kath na nagmamadaling nilapitan yung lalaki. "Dave, okay ka lang ba? Patingin nga !"nag-aalalang sambit ni Kath. Sya pa yung kinampihan nya ! Damn ! Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hinawakan ko ang braso ni Kath at hingit palayo sa lalaking yun.

"Ano ba Xander? Nasasaktan ako !"nahihirapang sambit ni Kath. 

Naiinis akong isipin na mas mahalaga yung lalaki na iyon kaysa sa akin. Ano bang ginawa ng lalaking aso na iyon kay Kath para sya ang kampihan. Mas hinigpitan ko ang pagkapit sa braso ni Kath. "BITIWAN MO NGA AKO !! AWW ! NASASAKTAN AKO !" sigaw ni Kath at nagpumiglas para makatakas.

"DAPAT LANG YAN SA'YO ! DAHIL ANG LANDI MO. PUMAPATOL KA PA SA MUKHANG ASO !" sigaw ko sa kanya. Tinignan nya ako ng masama at malakas na itinulak kaya nabitawan ko ang kamay nya. Hinawakan nya ang pulang pula na braso nya.

"AT IKAW ! PUMAPATOL KA SA ISANG BABAENG KASING KAMUKHA LANG NG PAA KO !"pang-aasar ni Kath. Mas lalong nagdilim ang paningin ko dahil nadawit ang babaeng kasama nya, si Ellen na kanyang Girl Bestfriend. "Wag mo syang pagsasabihan ng ganun."sagot ko.

"Bakit? Ikaw ba nakinig ka sa mga paliwanag ko na kaibigan ko lang si Dave ! Alam mo Xander ! Nakakainis kasi pareho lang tayo ng nararamdaman. Selos ! Naiinis ka kay Dave at ako naman sa babaeng kasama mo !"sabi ni Kath.

"Ako? Magseselos? Hindi ! Naiinis ako sa iyo dahil sa kalandian mo ! Lumalapit ka sa iba ng harap-harapan ! Nakakatapak lang ng ego !"sagot ko sa kanya. Tinignan lang nya ako at ngumisi.

"Xander nakakacurious lang kasi e, ano ba talaga TAYO?"tanong ni Kath. KAMI? Hindi ako kumibo dahil hindi ko alam kung ano ba talagang relasyon namin. Una, fling lang dapat sya. Pangalawa, ang deal lang ang dahilan kaya nagtagal kami. Pangatlo, may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Kahit naman isa akong player ay alam ko ang LOVE. Pero hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko, ang alam ko lang ay masaya ako sa kanya. She gave me a unique happiness na kahit ang deal ay di ko na inaalala.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam..."mahinang sambit ko. Napasabunot ako sa aking sarili dahil naguguluhan ako. Tumawa naman si Kath ng mapag-asar kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi mo alam? Bakit may nararamdaman ka na ba para sa akin? Oh sweetheart ! Una pa lang, nakikipaglaro lang ako sa'yo ! Hindi naman talaga usual sa akin ang umaabot ng ilang linggo ang relasyon sa mga lalaki ! Ikaw palang.."litanya nya. Parang may parte sa akin ay nagsaya dahil sa narinig pero agad itong nawala.

"Wag kang magsaya ! Parang challenge lang ang lahat ! Player ako at player ka rin. Di ba parang ang astig tignan dahil pareho tayong player. Ito lang ang sasabihin ko sa'yo, kung may nararamdaman ka na para sa akin ay itigil mo na ! Dahil kahit kailan, hindi ko magagawang magmahal ng isang Xander Klein Mariano !"dugtong pa ni Kath. Parang may mga kutsilyo na direktang sinasaksak ang puso ko. Challenge? 

"Challenge lang pala ang lahat sa'yo ! Haha. Nakakatawang isipin na natalo ako sa deal namin ni Nathan ! Kailangan lang kitang paibigin tapos iiwan na kita. Ang hirap mo talagang paibigin Kathleen Alexie Gabrielle Ramos. Akala ko ang dali mo lang mabingwit ! Pero okay na rin dahil makakawala na ako sa'yo ! Sayang, hindi ko makukuha yung kotse na yun ! Tandaan mo din ito, hindi rin ako magmamahal ng isang Kathleen Alexie Gabrielle Ramos !"sagot ko sa kanya. Tinignan ko sya sa mata at galit..lungkot..sakit.. ang nakikita ko sa mata nya. Hindi ko na lang pinansin dahil challenge lang ang lahat diba?

Ngumiti naman sya ng malungkot at lumapit sa akin. Dahan-dahan nyang nilapit ang kanyang mukha at napagtanto ko na lang ay magkalapat na ang aming mga labi. Nakaramdam ako ng lungkot sa halik na iyon at alam ko na ito na ang huling halik na galing kay Kath. Pumikit lamang ako at nagsimulang igalaw ang kanya bibig. Ninanam-nam ko ang konting panahon na ito.

Dug.. dug..

Dug.. dug..

"Let's break up, Xander !"ngumiti ito. Kasabay ng mga salitang yan ay masakit na pagkakasaksak sa puso ko. Ngumiti lang din ako at tumalikod na. "Magiging okay din ang lahat sa Xander"pabulong na sabi ko sa sarili. 

 <3 <3 <3 READ ! COMMENT ! VOTE !  Mga paraan para maipakitang mahal niyo ang story na ito ! Mahal ko keyo :) Abangan nyo na lang po ang next kong story. "Live, Laugh, Love." Yan po yung story ni Jake Tyler Suarez at Chelsea Celine Sanchez ! Hehe. Di ko pa po sya naipapublish pero pakihintay na lang ! Labyu.

#CutienessOverload

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ