CHAPTER 2

125K 3.9K 605
                                    


♡♡♡

Axiesse's POV

----------

Na dismissed na kami pagkatapos ng ilang subject ngayong umaga kaya napagpasyahan naming bumaba at pumunta sa canteen para mag-lunch.

Nauna sa paglalakad si Sasha, Arjie, at Yumie. Nasa likod naman kami nina Zell at Cherwin.

"Ilang years ka na pala rito nag aaral?" Napalingon sa 'kin si Cherwin nang tanungin ko siya.

"Uhm... two years na, teh! Sabay kami ni Arjie!"

"Ah..." Sabi ko nalang habang patango-tango. "Paano mo nga pala nakilala si Zell?"

"Ahhh... ayun? Classmate ko siya noong grade 6. Buti pa nga nakilala ko pa siya! Ang tahimik niya kasi kaya wala masyadong kaibigan kaya pinansin ko na! Ang ganda pa!"

"Ah... "

"Ikaw lang hindi."

Huh?

"Bwahahahahaha! Joke lang! Eto naman. Binibiro lang eh. Ang serious mo kasi."

"Hehe." Ang saya niya naman.

"Bakit ka nga pala may eye glass eh, parang wala naman 'yang grado?" Eh, porket wala ng grado yung salamin, bawal na? Hindi ba puwedeng style lang? Trip ko lang?

Nagkatinginan kami ni Zell na para bang nag uusap-usap ang mga mata. I licked my lower lip.

"Wala lang..."

"Ay naku, teh! Bumagay sa'yo ang bun at eye glass mong bilog!"

"Tssh." Natawa ako ng bahagya. Ang dami niya namang sinasabi!

Nagtawanan naman sila Yumie, Arjie at Sasha sa harapan namin. Kung ano ang pinag uusapan nila ay hindi ko alam. Pagdating namin sa canteen ay umupo kami pagkatapos nakahanap ng puwesto. Si Sasha na at Yumie ang umorder. Kami namang apat ang naiwan dito sa table.

"Alam niyo, ang talino niyo talaga kanina! Siguro kayo na yung makakatalo sa Top 4!" Masayang sambit ni Cherwin. Hindi ko alam pero parang kinikilig pa siya na ewan sa sinasabi niya.

"Huh? Top 4?" Takang tanong ko.

Hindi ko naman kilala kung sino 'yong Top 4 na tinutukoy niya. Pero bakit ba sinabi niya na kami na ang makakapagtalo ro'n sa Top 4? Ano ba ang matatalo namin doon?

"Sila kasi 'yong Top 4 ng campus. Apat na mga matatalinong lalaki sa campus, mga pinakamatatalino," nakangiting sabi naman ni Arjie.

"Bakit mga lalaki lang? Wala bang babae? Si Fhia... matalino naman yun, ah?" Wika ko pero natawa lang si Arjie.

"Asan ang matalino dun, teh? Eh... mine-memorize lang niya yun! Palibhasa'y alam niya ang next topic dahil auntie niya si Miss Aragon!"

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Si Zell naman ay tahimik lang. Minsan lang syang nagsasalita eh.

"Yes! Totoo!" Si Arjie

"Grabe naman..." Bulong ko.

"Eh, sino nga pala 'yong mga Top 4?" Muling tanong ko sa kanila. Ngumiti naman sila ng pagkalawak lawak at tumili.

Mga bading nga... amp.

Muntik niya pa akong hampasin sa sobrang kilig niya pero sarili niya nalang ang hinampas niya.

"Huy!" Tawag pansin ko sa kanila.

"Ay! Hahaha! Ang ga-guwapo nila kase! Hahahahahaha! Ang cute pa niya! Jusko!" Kinikilig na sabi ni Cherwin.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon