CHAPTER 13

96.3K 3.1K 267
                                    

★ ★ ★

Zell's POV

---

Pagkatapos nung nangyari kahapon ay umuwi talaga si Axiesse. Hindi niya raw kasi kinaya ang lagkit na nasa katawan niya dahil sa kagagawan ni Tracey. Kahit ngayon ay wala sa mood si Axiesse. Eh, paano ba naman kasi panay ang tingin niya sa kanyang uniform kung may dumi ba kahit nalabhan na 'to. Ewan ko ba dyan sa babaeng 'yan.

Nakaupo lang kami rito sa canteen. Tahimik si Axiesse na kumakain habang si Sasha ay panay ang daldal kasama si Arjie at Cherwin. Si Yumie naman paminsan-minsan ay sumasabay rin sa kadaldalan nina Sasha. Nahawa na yata si Yumie kay Sasha pero ang pinagkaibahan lang ni Yumie at Sasha ay si Yumie kasi may pagka-maarte at mataray. Si Sasha naman parang wala lang. Walang kaarte-arte sa katawan makadaldal lang.

"Ano bang nangyari kay Tracey kahapon?" Tanong ni Sasha.

Kahit na naka earphones na ako ay nakakasingit pa rin yung boses niya sa taenga ko.

"At saka, bakit ganon nalang ang takot nila about sa punishment ng mga Campus Royalties?" Dagdag niya.

"Naku. Katakot-takot naman kasi ang mga punishment ng mga Campus Royalties!" Nanlalaking mata na ani Cherwin.

"Psh! Katakot takot?! Ehh.. bakit hindi niya kami binigyan ng punishment no'ng sirain ni Axiesse ang pinto ng Special Class? At gano'n nalang ba 'yong punishment ni Yumie dahil sa pagkakabangga niya sa Campus Prince na si Klenth?! Dapat parusahan pa 'yang si Yumie!" Sinamaan naman siya ng tingin ni Yumie. Humagalpak ng tawa ni Sasha.

"Hindi 'yon punishment ni Klenth kay Yumie noong matapunan siya ng shake sa damit! Ano ka ba!" Wika ni Arjie kay Sasha.

"Ha? Eh ano 'yon? warm up?!" Natatawang usal naman ni Sasha.

"Hindi, teh! Yung ginawa niya kay Yumie ay part na 'yon ng pagiging bully niya! Iba ang punishment na ginagawa ng mga Campus Royalties at mga ginagawa ni Klenth!" Si Cherwin.

"Ah? Grabe pala sila dito no? Parang naghahari na sila sa buong campus..."

"Tumpak ka dyan, inday Sasha! Hindi parang! Sila na nga ang naghahari rito sa Campus! Pero si Zae talaga yung Campus King!"

"Kung si Zae ang Campus King... bakit hinahayaan niya lang si Klenth na mangbully?! Eh dapat suwayin niya yung taong 'yon! Akala ko ba Campus King siya? Psh! Kaibigan pa niya naman. Dapat hindi tinotolerate kahit friends pa no!"

"Oo. Magkaibigan nga kasi ang mga 'yon, teh. Sama-sama sila mula pagpasok ng paaralan hanggang pauwi!" Si Arjie. "Ang alam ko ay pinipigilan din naman nila si Klenth. Mabait din naman si Klenth, sobrang minsan nga lang. At isa pa, Campus Royalties don't punish each other."

"Tsk. May tanong ako ah.." Napatingin kaming lahat kay Yumie except kay Axiesse na hanggang ngayon ay kumakain... na naman.

"Ano yon, teh?" Interesadong-interesado na sambit ni Cherwin.

"Bakit naging Campus Prince si Klenth Sejin, eh ,bully naman siya?" Maarteng aniya at ngumiwi.

"Kasi nga teh, guwapo sya, may connection ang pamilya nila rito sa school na 'to, mayaman, matalino at bagay kung tawaging Campus Prince—ay ewan ko ba hindi ako sigurado! Basta gano'n 'yon. Intelligence is power. Basta may rason talaga."

"Alam mo, Cherwin, sana di ka nalang nagkuwento!" Sabat sa kaniya ni Arjie at dinuro-duro pa siya ng tinidor.

"Teka!" Pagpigil naman ni Sasha habang ang dalawang kamay ay nakatapat kay Arjie at Cherwin. "Bakit ba nakaabot na tayo dyan eh.. Ang tinatanong ko lang naman ay kung ano ang punishment ni Tracey kahapon! Ganern!"

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum