CHAPTER 22

87.6K 2.9K 624
                                    

•°•

Naeyumie's POV

---

Kung may ma ededescribe lang ako ngayong araw? Yun yung MALAS! Sobrang malas ko talaga as in!

Ngayon na mag uumpisa ang paggawa namin ng project. Yung project na 'yon ay gagamitin daw namin para sa aming role play. Whatever.

Pero mabuti na ring naging kagrupo ko si Klenth dahil naka assign ako sa kaniya para mamasid at patagong protektahan siya. Pero malas pa rin. Pero ulit! Mabuti na't kasama ko naman si Cherwin. Hindi ako ma o-OP do'n at may kakampi pa ako kung mag-away kami ni Klenth!

Sa ngayon ay hinihintay ko pa si Cherwin at Klenth ngayon dito sa may coffee shop. Dito ang napag-usapan namin na dito magkikita. Sabay sabay kaming mamimili ng mga gamit para sa gagawin.

Sana nga lang, maunang magpunta dito si Cherwin dahil kung si Klenth ang mauunang dumating ay nako lang! Hindi ko kakayanin! Nakakabwisit ba naman ang mukha no'n kahit walang ginagawa.

Wala pang 10 minutes nang dumating ako rito sa coffee shop. Maaga pa naman so kaya ko pang maghintay. Umorder muna ako ng blueberry muffins and vanilla shake.

Kasalukuyan akong umiinom ng shake ng biglang tumunog ang bagay na 'yon na nakasabit sa may pintuan. Bell chime. Senyales 'yon kung may pumasok na customer. Dali dali akong napalingon doon dahil baka si Cherwin na 'yon!

Halos maibuga ko ang shake ng makita ko siya!

Grrr! And what is he doing here?! Kagrupo ko nga pala siya! Pero sana mamaya na lang suya pumunta rito. Kainis naman oh!

"Ikaw lang ba? Asan na yung kaibigan mong bakla? Wala pa ba!? " Inis na tanong niya agad sa'kin nang makalapit sa table kung saan ako nakapwesto. Pinagtitinginan siya tuloy ng mga babae rito.

"Mukha ba akong may kasama? Ako lang diba?" Pagtataray ko. Nag-irapan naman kami.

Nagulat pa akong napatingin sa kaniya nang bigla siyang umupo sa katapat ko.

"H'wag ka ngang umupo dyan."  Napatingin naman siya sa 'kin at inirapan ko ulit. Nabibwisit talaga ako sa kaniya.

"Bakit sa'yo ba 'to? Baka gusto mo paalisin pa kita dito eh. Hindi ka naman nababagay dito. Alis ka nga!"

"Whoa. Makapagsabi naman 'to oh? Ako ang nauna dito kaya ikaw ang umalis!" I didn't mean that. Syempre dapat hindi siya umalis dahil dapat nababantayan ko siya palagi para sa misyon.

"Wala akong pake alam kung sino pa ang nauna rito. Kaya kitang palabasin. At saka, hindi ka nga nababagay dito. You're ugly."

WHAAAT? Nalaglag ang panga ko. Anong karapatan niya na sabihan ako ng pangit?! Siya lang ang nagsabi sa 'kin ng pangit! Oh my gosh. Pigilan niyo 'ko. Masususntok ko talaga 'yan. Hindi ko carry na sabihan ako ng pangit kahit na galing pa sa ugok na 'yan! I can't believe it!

"Oh ano? You're so damn speechless because it's true!"

"At sa tingin mo g-guwapo ka?! FYI, sa mata ng ibang babae ay guwapo k-ka pero sa 'kin? Hinde! Kaya kung pangit ako, pangit ka rin! Ah! No! I'm not ugly. Ikaw lang," inis na inis kong sabi. 

"Shut up. I'm handsome and you're ugly! Can't you accept the truth? Tanungin mo pa sa iba?

"Tumahimik ka, ugok." Isa na lang talaga.

"Anong sinabi mo?!" Ayan, galit na galit na. Hindi ko alam kung ilan ang nakatingin at nakikinig sa 'min pero wala akong pake!

"Ugok ka," ulit ko. Lalo pa tuloy nagsalubong ang kanyang kilay!

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now