CHAPTER 37

92.8K 2.6K 467
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

-------

Napapikit ako sa inis. Kasalanan 'to ni Zae eh! Kung hindi ba naman siya nagkunwaring girlfriend niya ako para mapalayo do'n sa mga babaeng umaaligid sa kaniya edi sana walang kakalat sa school! Ghad. Kalat na kalat daw 'yong litrato naming dalawa. Hindi pa lumalamig 'yong issue na nagkahalikan kami ni Zae tapos may panibago na naman!

Salubong ang mga kilay ko nang lingunin si Zae dahil tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot ang tawag. My stare at him was like a knife, sharp and wants to hurt his arm a little bit. Gusto ko siyang kurutin.

"Oh?" Wala man lang hello dyan. Tssh.

Nagmamaneho siya habang may kausap sa kaniyang cellphone. Gosh. Baka mabangga kami. Bad example! Campus King tapos bad example? May kausap sa cellphone habang nagmamaneho? Zae Maximo, a Campus King, but not a good role model to me! Nagtataka pa ako kung sino ang tumawag sa kaniya dahil nagsalubong ang mga kilay niya at namula ang mukha.

"What!?"

Sino kaya ang kausap niya?

Napatingin siya sa'kin na nakakunot ang noo.

"I'll be there in a few," seryosong aniya at pinatay ang tawag.

Napalunok ako nang bumaling ang tingin niya sa akin. There's a fire inside his darkening eyes. Ang makapal niyang kilay ay halos magsuntukan na. Bahala siya dyan. Ayokong maging referee.

"Ano?" Inis na tanong ko dahil nakatingin pa rin siya sa 'kin.

"May kumalat sa school na-" pinutol ko agad siya dahil sa inis ko.

"Alam ko, and it's all your fault!" Hindi ko talaga mapigilan na siya ang sisihin ko. Kasalanan niya naman talaga eh...

Panibagong issue na naman ang haharapin ko. For sure, marami na namang pag-iinitan ako. Pag-iisipan nila ako ng masama. Paniguradong may haharang-harang na naman sa daan ko at tataray-tarayan ako at pagsasabihan ng kung ano-ano. Tapos, hindi naman totoo 'yong chismis na kami na ni Zae tapos may kakalat pang mga gano'ng larawan!

I knew our school life will not be that easy but I never saw this one coming.

"Are you blaming me?" Seryoso siya habang nagmamaneho.

"Obvious naman diba? Tssh. Kung hindi mo sana ako inakbayan o hinawakan ang kamay, wala sanang kakalat na mga pictures!"

"Malay ko bang may kukuha sa 'tin ng larawan..."

"Malay mo lang 'yon!"

"So kasalanan ko?"

"Oo!"

"Eh ikaw nga, bigla nalang nanghihila eh!"

Natahimik ako ilang sandali sa sinabi niya. Nanahimik nalang ako. Malakas ang pintig ng puso ko habang kausap ko siya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana. Parang nahiya ako bigla. Hindi na ako kumibo. Ayoko syang kausapin, duh. Hindi naman kami nag-uusap talaga. We're not even close.

Inalis ko lahat sa utak ko ang nangyari. 'Yong paghawak niya sa kamay ko. Pag-akbay niya sa'kin. Pag-kunwaring girlfriend niya ako. 'Yong pagtawag niya sa'kin ng "babe"... hindi ko makalimutan. Sana talaga gano'n lang kadali makalimot.

"Pasalamat ka ginusto ko rin..." He murmured.

Napalunok ako at gustong mapapikit. Ginusto ang ano? Ginusto rin niyang hilahin ko siya? Ha! Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya. Diretso lang ang tingin niya sa harap habang ang isang kamay ay nasa manibela. He didn't look back at me as if he didn't just say something. O baka guni guni ko lang 'yon? Nababaliw ka na ba talaga, Axiesse?

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang