CHAPTER 56

87.1K 2.5K 529
                                    

★ ★ ★

Zell's POV

----------

"Nandito na si Wayne sa school! Nandoon na siya sa Royal room at maya maya nalang lalabas na siya..."

Natigilan ako sa sinabi ni Sasha. Hindi ako makagalaw. Noong una, parang ayaw ko pang maniwala baka jino- joke time lang ako ng isang 'to pero nang makita ang mga banner na dala ng mga estudyante na may nakalagay na 'Welcome back, Wayne!' ay mas lang kumabog ang puso ko.

Hindi nga? Babalik na siya? Nakabalik na siya? Parati kong hinihiling na maging okay na siya pagkatapos ng lahat. Parati kong hinihiling na bumalik na siya at ito na! Ito na ang araw ng pagbabalik niya! Oh my gosh!

"Oh ano, Zell? Hindi ka ba masaya?!" Masayang tanong ni Sasha. Halatang halata sa kaniya na sobrang excited niya!

Nakarinig kami ng tilian. Agad na nagsitakbuhan ang mga estudyante patungo sa itaas ng palapag. Hinawakan din ni Cherwin at Sasha ang magkabila kong kamay.

"Tara na! Kyaaaah!" Si Cherwin at hinila nila ako ni Sasha.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. I want to see him. I badly want to see him! I want to hug him tightly pero hindi ko alam ang nangyayari sa 'kin. Hiniling ko 'to at heto na sa harapan ko, ang makita siya! Hindi ko alam kung bakit biglang umurong ang mga paa ko.

Parehong napatingin sina Cherwin at Sasha sa'kin, nagtataka. Binawi ko ang kamay ko sa kanila at umatras.

"Oh bakit? Ayaw mo ba siyang makita?" Gulat na tanong ni Sasha.

Umiling ako, hindi nagsalita.

Mas lalong naging malakas ang tilian ng mga estudyante kaya mas lalo akong umatras! Not now! Zell, ano bang nangyayari sa iyo?!

"Oh my gee! Wayne! Welcome back!!"

"Kyaaaah! Ang gwapo gwapo mo, Wayne!"

"Waaaa! I missed you, Wayne!"

"Grabe! Laki ng pinagbago mo, Wayne! I love you!"

Walang alinlangan kong tinalikuran sina Sasha at Cherwin dahil sa likuran nila, nandoon ang napakaraming estudyante at sa gitna ng napakaraming estudyante, nandoon si Wayne!

Narinig ko ang tawag nila Cherwin at Sasha nang talikuran ko sila para tumakbo papalayo ro'n.

Gustong gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kung bakit umurong ang aking sistema. I'm so guilty to face him. Nahihiya rin akong harapin siya. But I must face him to apologize and thank him for what he did. Seriously? Thank him for shielding me? At siya muntik nang mamatay? Hindi ko nga lang alam kung paano ako makapag thank you at sorry sa kaniya gayong ang raming tao ang nakapalibot.

Lumayo ako roon. Pumunta ako sa comfort room para lang makapagtago. Puwede namang pag wala nang nakapalibot sa kaniya, lalapitan ko na siya.

Taas baba ang aking dibdib. Ngumuso ako. Ang maisip na lalapit ako sa kaniya ay nakakapagabog ng puso ko. Paano nalang kaya kung gagawin ko na 'yon? Ang sakit ng tiyan ko dahil sa kaba!

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili sa salamin. Galit ako sa sarili ko! Bakit, Zell? Bakit bigla kang umurong!? Eto na eh!

Napatingin ako sa aking wrist watch. Hindi na ito ang binigay ni Axiesse. Ordinaryong relo lang ang sinuot ko dahil hindi ko naman ine-expect na ngayon ang uwi niya!

Mag-uumpisa na ang klase. Ayokong pumunta sa classroom dahil baka makita ko siya. Ano ba, Zell? Kailangan kong humingi ng tawad! Kailangan ko siyang harapin! Nag send ka pa ng voice message tapos ngayong nandito na, aatras ka?

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon