CHAPTER 42

84.9K 3.1K 1.4K
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

------------

Galit na galit ako sa kaniya. Galit na galit ako dahil sa ginawa niya sa 'kin. Dahil sa ginagawa niya. Paano niya napapabilis ang tibok ng puso ko tuwing magtatama ang mga mata namin? Paano niya ako napapakaba tuwing nandyan siya sa paligid? Paano niya nagagawa ang mga bagay na 'yon na kahit sino ay hindi pa nagagawa ng iba sa 'kin!?

Hindi ko matanggap.

Buong oras ay salubong ang mga kilay ko habang nagdedecorate kami ng aming room para sa Halloween. Pagkatapos kong mag kabit ng mga laruang gagamba, mga maskara, spider webs, at kung ano ano pa ay umupo muna ako sa upuan at uminom ng tubig. Grabe. Ginutom ako ro'n ah!

Wala rito ang mga Campus Royalties. Hindi ko alam kung saan pero ayon sa relo ko ay nasa loob lang sila ng building na 'to. Hindi ko rin alam kung bakit hindi sila tumutulong sa pagdecorate gayong sila naman ang nagsabi na dapat ay mag lagay ng mga decorations! Dapat nga tumulong sila rito eh!

Saktong lunch time na nang matapos kami sa pagdedecorate. Dumiretso agad kami sa canteen at pagkapasok na pagkapasok palang namin sa canteen ay una ko agad siyang namataan.

Habang naglalakad kami sa bakanteng table na medyo malayo sa table nila ay napasulyap siya sa 'min—sa 'kin.

Hindi ko kayang tanggapin.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Napalunok ako. Sabay kaming napaiwas ng tingin. Inis na inis talaga sa kaniya!

Ano 'yon? Hinalikan niya lang ako tapos hindi na papansinin!? Hindi man lang siya nag-sorry sa ginawa nya sa 'kin?

Nakanguso at salubong ang mga kilay ko buong oras habang kumakain kami. Hindi na ako nagsalita. Ang ingay ba naman ni Sasha tapos dadagdag pa ako?

Kahapon, pumunta kami ng basketball court dahil may practice game daw sila. Hindi ko talaga 'yon kinaya. Para akong kinakapos sa hangin tuwing makikita ko siyang nagtatakbo sabay tulo ng pawis. Iba ang epekto sa 'kin. Hindi ko maintindihan.

Tapos... eto pa... tuwing nakakashoot siya ng bola ay tumitingin siya sa banda namin. Iyon ang napansin ko! Ano bang tinitingin tingin niya? Hindi nila alam kung gaano ko gustong umalis do'n pero parang ayaw ko rin. Siguro dahil ayaw umalis ng mga kaibigan ko.

Pagkatapos kong kumain ay nagtaka ako nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ng aming mesa. Ito yung ka-teammate ng mga Campus Royalties!

"Hi, Lian!" Bati ni Sasha at nagwave. Kilala niya?

"Hi, can I join you guys? Wala na kasing bakanteng table..." Sabi niya sabay tingin sa 'kin.

Bahagyang kumunot ang noo ko at hindi nagsalita.

"Oh, sure sure! No probs!" Diretsang sagot ni Cherwin.

"Oh my. Upo ka dali!" Si Arjie.

Ngumiti 'yong si Lian at umupo sa tabi ko. Sa tabi ko lang kasi 'yong may space eh. Nasa left side si Lian tapos nasa right side ko naman si Zell. Kaharap naman ni Arjie si Lian. Ang kaharap ko naman ay si Sasha.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Medyo naiilang ako sa katabi ko. E, syempre, hindi naman kami magkakilala.

"Lian, kailan ulet ang practice game niyo?" Nakangiting tanong ni Sasha.

"Tomorrow."

"Ahh.. nga pala, Lian. Mga friends ko pala... Si Arjie, Cherwin, Yumie, at Zell." Sabay turo niya sa mga tinawag niya. "Tapos, si Axiesse." Turo sa 'kin ni Sasha. Napalingon sa 'kin si Lian.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now