CHAPTER 27

81.4K 2.7K 315
                                    

♢◆♢

Sasha's POV

-------

Maaga akong nagising kinabukasan. Excited kasi akong makita si Marx. Laking pasasalamat ko talaga na naging kagrupo ko siya. Isa na siya sa mga motivation ko sa eskuwelahan, hay.

Ako, si Yumie, Klenth, Marx, Arjie, Cherwin at ang iba pa naming kaklase 'yong group 1. Bale, group 2 sila Axiesse at Zell.

"Ma'am ipapahanda ko na ba ang sasakyan niyo?" Tanong ng katulong namin pagkababa ko sa hagdan.

Maaga pa naman. Umiling ako at hinawakan ang shoulder bag ng maigi.

"Magta-taxi po ako..." Simpleng sagot ko at tumungo sa dining area.

Sumunod naman sa'kin 'yo/g yaya namin at pinaghandaan ako.

"Tumawag po ang Daddy niyo, Ma'am. Pinapasabi na h'wag na raw kayong mag taxi..." Kinakabahang aniya. Bumuntong hininga ako sabay inom ng tubig.

"Hayaan mo siya, ako ng bahala. Mas gusto ko kasi mag taxi..." Wika ko sabay kindat sa kaniya at lumabas na ng bahay.

Wala naman si Appa rito kaya hindi niya ako mapapagalitan kung nag taxi lang ako. At isa pa, hindi pa naman mainit sa daan dahil ang aga aga pa.

Naglakad lang ako palabas ng village pero hindi pa man ako nakakalabas ay may natanaw akong pamilyar na kotse. Nakaparada 'yon sa tapat ng isang mansyon. Oh my gosh! Ang laki ng bahay nila. Parang sa 'min lang... pero mas malaki yata 'tong bahay na 'to kahit hindi ko pa natitingnan ang kabuuan.

I checked the plate number at talaga namang sumobra ang laki ng mata ko. Char. 'Yong katamtaman lang. I knew it. Hindi ko lang talaga masyadong binasa ang impormasyon tungkol sa kaniya pero may pakiramdam na akong malapit lang ang bahay nila sa amin.

Kung ganon, dapat palagi na akong maglalakad! Nagpapahatid kasi ako sa driver namin hanggang dyan lang sa labas ng exclusive village na 'to. Mas gusto kong mag taxi kaysa ihatid ako ng magara naming kotse at kapag may makakita ay magkakaroon ako ng maraming kaibigan na plastik naman. Psh!

Chineck ko ulit yung plate number at napahawak ako sa dibdib ko nang makompirma talaga na sasakyan niya nga 'to! My goodness gracious. Ang suwerte ko talaga.

Nakadungaw pa rin ako sa may plate number nang marinig ko na bumukas ang gate at pagkatapos no'n ay tumunog ang sasakyan. I startled a bit.

"Who's there?" Narinig ko ang boses niya. Napapikit ako at hindi pa nag angat ng tingin. Oh my gosh!

Narinig ko ang yapak ng sapatos niya na papalapit sa akin. Naaamoy ko rin ang pabango niyang napakabango. Napalunok ako at hinarap siya. His reaction didn't change.

"H-Hi, Marx!" Kinapalan ko talaga ang mukha ko. Palagi naman eh.

Kumunot lang ang noo niya.

"What are you doing here?"

"Uhm... napadaan lang," I said while smiling.

"Go away..." Masungit niyang sabi at dumiretso sa driver's seat.

Napanguso ako at tumingin nalang sa bahay nila. Hindi medyo kita ang loob pero ang ganda talaga.

"Ang ganda pala ng bahay niyo no!"

Napatingin siya sa'kin na parang naiirita. Nagtiim labi ako. Ang seryoso talaga nito.

"I said go away. We're not close."

"Gusto mo bang lapitan kita para close na tayo?"

Hindi siya nagsalita. Binuksan niya lang ang pintuan ng kaniyang sasakyan at pumasok na roon. What a rude!

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now