CHAPTER 40

88.9K 2.4K 360
                                    

• • •

Naeyumie's POV

-----

"Muli nating palakpakan ang ikalawang grupo!!" Sigaw ng Emcee matapos kaming mag perform.

Nasa gitna pa rin kami ng stage. Magkahawak kamay kaming lahat at nakangiti sa mga audience.

Ngiting-ngiti ako dahil naging successful ang aming role play. Tungkol lang naman ang storya sa dalawang magkasintahan na naghiwalay dahil mahal pa ng lalaki ang ex niya pero nang tumagal ay hinahanap-hanap ng lalaki si girl dahil siya pala ang tunay na mahal nito pero huli na ang lahat. May bago na 'yong girl. Nagsisi ang lalaki dahil nasa kaniya na, pinakawalan pa. Tsk. Tsk.

Napatingin ako sa magkahawak kamay namin ni Klenth nang bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak at tumingin sa 'kin.

"Congrats sa 'tin..." Aniya habang nakangiti.

Nakangiti akong tumango. Nagkatinginan kami ng ilang segundo nang may biglang sumabog na confetti at nagliparan sa stage. Parang biglang bumagal ang paligid habang tinitingnan ko siya. He's smiling while the lights highlighted his features.

Unti-unting naglaho ang kaniyang ngiti sa mukha habang nakatingin kami sa isa't-isa. Nag-iwas siya ng tingin at napalunok. Binaling ko nalang ang tingin ko sa harap.

May kung ano sa akin na hindi ko maipaliwanag nang bigla niyang binitawan ang kamay ko at nauna nang bumalik sa backstage.

Nanlumo ako. Hindi ko maipaliwanag o ayaw kong kilalanin? Bahala nga siya dyan!

Isa-isa nang nagsilabasan ang mga estudyante rito sa hall. Pumunta lang naman sila rito upang matunghayan ang role play ng special class. Gano'n ka special ang section namin!

Pagbalik ko ng backstage, nagulat ako nang makita si Ellisandra na kakapasok lang dito. Nakangiti siya. May dala siyang bouquet of roses. Sa tingin ko, bigay 'yon ni Klenth sa kaniya o baka ibibigay niya kay Klenth.

Parang may kung ano na namang nangyari sa loob ko nang makitang nagyakapan ang dalawa. Naghiyawayan ang mga kaklase ko dahil sa ginawa nila at kitang-kita 'yon ng lahat! Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi naman required na may maramdaman dapat diba?

Pero aaminin kong medyo nakakainggit 'yon. Masakit sa mata. Gusto ko silang pisain. Jusko nakakasira ng araw.

OMG? Talaga, Yumie?! Naiinggit ka? Bakit? No wayyyyy! Hindi ko naman gusto si Klenth, ah? No way! Wala lang 'to. Ayoko lang talaga makitang masaya si Klenth pagkatapos ng lahat nang ginawa niya sa 'kin.

"Affected much ah?" Nakangising ani Sasha.

Kumunot ang noo ko at masama na ang tingin ko sa kaniya. I shook my head defensively.

"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Wahahaha! Bakit naman ako maaapektuhan sa kanila? Bakit gusto ko ba siya? Ikaw talaga! Wag ka ngang ano dyan!" Sabi ko at umirap.

Mas lalo namang lumaki ang ngisi niya. Nakakainis siya!

"Sino bang tinutukoy mo ha?" Tanong niya at tumawa nang napakalakas-lakas. "Wala naman akong tinukoy sa sinabi ko ah?"

"Tumigil ka dyan, Sasha, or I'll break your bones into pieces.." Banta ko sa kaniya habang pinagmamasdan siya ng matalim.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Ugh. So so annoying!

"Eh ang puso mo ba dyan, hindi pa nagbe-break into pieces?" Banat niya at tumawa pa nga.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinakpan ang kaniyang bunganga gamit ang mga palad ko. Gosh. Ang ingay niya talaga! Napatingin sa 'min 'yong mga kaklase namin pero ang iba ay nakatutok pa rin kina Klenth at Ellisandra na nagkakatuwaan.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now