CHAPTER 23

83.9K 2.8K 386
                                    

♢◆♢

Sasha's POV

---

Mag aalas tres na ng matapos namin ang aming project which is painting. Nag paint kami ng imahe ng fountain at sa background no'n ay parke. Ang hirap gawin pero kay Wayne? Ay jusko! Ang dali dali lang para sa kaniya. Bagay syiang maging painter! Ang galing niyang mag paint! Pang professional artist!

"Merienda muna tayo?" Tanong niya sa'ming dalawa ni Mary.

Si Mary 'yong kagrupo pa naming isa. Tumango naman kami at sumunod sa kaniya sa may dinning area.

Napakalaki ang bahay nila Wayne. Mansion na talaga 'to. Sinong magtataka? It's the Laurent's property!

Itong si Mary naman ay kanina pa kinikilig dahil sa pagiging gentleman ni Wayne. Naku, ayaw ko kay Mary para kay Wayne! Ang gusto ko si Zell! Si Zell dapat ang kay Wayne! Ewan ko ba pero nababagayan ako sa kanilang dalawa.

"Kuha lang kayo dyan. Paniguradong gutom na kayo." Nakangiting usal ni Wayne. "Mary, may susundo ba sa'yo?"

Nagulat pa ako ng tinanong 'yon ni Wayne kay Mary. So ibig sabihin, ihahatid niya si Mary? Eto namang si Mary kinilig na naman agad. Maganda naman siya, maputi, medyo may katangkadan at mabait. Nililigawan ba siya ni Wayne?

"H-Ha?! Ahh... w-wala eh," sagot ni Mary at sumubo ng pizza.
"Ihahatid mo ba ako?" Kinikilig na sambit niya. She then put some hair behind her ear.

"Ah, hindi eh. Dadating na kasi si Mommy maya maya lang... Ipapahatid kita sa driver namin para ligtas kang makauwi..."

Parang nalungkot naman si Mary at uminom ng iced tea. Gusto ko tuloy matawa.

"Eh ikaw Sasha, may susundo ba sa'yo rito?" Bumaling siya sa akin.

"Wala eh. Dadaanan ko pa kasi si Zell sa bahay nila Arjie mamaya. Doon kasi sila gumawa ng project..." Pagkasabi ko no'n ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya at napaupo ng maayos.

Kumunot ang noo ko. Bakit biglang lumiwanag ang mukha nito?

"Talaga!?"

"Oo. Bakit?" Tanong ko. Ang weird niya lang. He shifted again on his seat and drank iced tea.

"Ah. Wala! Wala..."

"Ah, Wayne.." Tawag sa kaniya ni  Mary. Nilingon naman namin sya.

"Yes?" Ngumiti si Wayne. Yung ngiting... playboy. Char! Hindi ko alam!

"B-Bakit wala pa kayong mga girlfriend, I mean k-kayong apat?" Nahihiyang tanong ni Mary sabay sabit ulit ng kanyang buhok sa likod ng tainga.

Wayne smiled and slightly bit his lower lip. Napatingin naman ako kay Mary na nakatingin do'n. Namumula 'tong babae na 'to. Bakit kasi nagpapaligoy ligoy pa siya? Dapat sabihin niya kay Wayne na gusto niya 'to eh, halata naman kasi! Kung ako 'yan, baka kami na agad!

Nagkibit balikat sya. "No time for that. Sa ngayon kasi ang studies ko ang inuuna ko..."

"P-Pero, Wayne... may nagustuhan ka na ba?" Patuloy ni Mary. "Kung may nagustuhan ka na, kagrupo mo ba... siya?"

Patago akong napairap sa tanong niya. Haler? Bakit parang dinadamay niya ako sa tanong niya. Ang sabihin niya, may gusto siya kay Sayne kaya ganyan 'yong pinagtatanong niya. Psh!

"Yes, may nagustuhan na ako pero nasa ibang grupo siya..." I saw him blushed a bit. Napakurap-kurap siya at ngumiti na lang.

"Ahhh... ganun ba... really?" Malungkot na ani Mary saka napatayo, mukhang pilit na pinapasigla ang sarili. "Sige, Wayne, uh, Sasha... Uuwi na ako. Bigla kasing pumangit ang pakiramdam ko eh." Asus! Pumangit daw! H'wag ako, uy!

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now