CHAPTER 60

77.8K 2.6K 780
                                    

★☆★

Zell's POV

----------

Nanginginig ang mga kamay ko sa galit habang binabasa ang mga comments sa litratong pinost ni Yumie sa Instagram. Salubong na salubong ang mga kilay ko at gustong gusto kong pagsusuntukin ang mga taong 'yon!

Binaba ko ang cellphone na hawak ko at huminga nang malalim. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nandito ako sa loob ng sasakyan at papunta na sa eskwelahan. Ngayon kasi 'yong araw ng pasukan pagkatapos nang malagim na gabi at alam ko, sa oras na tumapak ako sa Sky Hexton, mas malala pa ang matatamo namin kumpara noong una.

"Manong, paki bilisan ho..." Sabi ko sa driver namin na ang bagal magmaneho ng sasakyan. Kung ako ang nagmaneho niyan baka kanina pa ako nakarating sa school.

Mainit ang ulo ko dahil sa nabasang mga comments. Anong karapatan nilang sabihan si Axiesse ng kriminal? Eh, hindi nga nila alam kung ano ang totoo!

Pagkarating ko sa eskwelahan ay may mga estudyante pang namamasyal sa labas. Wala pa sigurong mga prof kaya nandito ang iba sa labas pero sobrang late naman yata ng mga professors para hindi pa makapasok?

Bumaba ako ng sasakyan. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Napatingin ang mga estudyante sa'kin. Nagsimula silang magbulong bulungan. Ang iba ay inirapan pa ako. Ang iba ay lumalayo na para bang may nakakahawa akong sakit. Ang arte.

Huminga ako nang malalim dahil expected ko namang ganyan ang matuturing nila sa akin. Umirap ako at nagsimulang maglakad. Papasok na ako nang building nang marinig ko ang tawanan ng mga estudyante. Gusto ko silang lingunin pero pinabayaan ko nalang. Ayan na naman kasi sila. Alam ko na 'yan.

Dire-diretso lang ang lakad ko. Hindi ko alam kung bakit walang naglalakad na mga estudyante papasok ng building o sadyang gusto lang nilang mamasyal sa labas.

"Zell! Huwag kang dumaan-"

Nagulat ako! Nanlaki ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan nang maramdaman na may bumuhos sa'kin mula sa taas!

Nakita ko ang pagdaloy ng ketchup mula sa ulo hanggang sa marumihan ang aking uniform. Para akong pinaliguan ng isang baldeng ketchup dahil sa sobrang dami. At hindi parang! Pinaliguan talaga nila ako!

Nagsalubong ang kilay ko at mariing pumikit para mapakalma ang sarili mula sa nag-aalab na galit. Sino ang bumuhos sa akin? Humanda siya! Humanda siya.

Calm down, Zell. You know, this is just a start. Kami ni Yumie ang nagpasabog ng underground at mansion ng leader ng VMO. Tapos na ang ikalawang misyon namin. Malapit na ring matapos ang unang mission namin. At ito ang kapalit? Ito ang kapalit habang unti-unti naming naaabot ang tagumpay? While we're almost reaching our victory outside, this is what's happening to us inside the school!

Kinuyom ko ang aking kamao para mapigilan ang galit. Kalmado akong tumingin sa itaas para malaman kung sino 'yon. Walang ekspresyon kong tiningnan ang tatlong lalaki at dalawang babae sa itaas habang nagtatawanan. Ang isang lalaki ay may hawak na isang balde na sa tingin ko'y nilagyan ng ketchup na pamuhos sa akin kanina. Ang isang babae ay may hawak na cellphone at alam ko, vine-videohan nila ako.

I gritted my teeth. Nag-iwas ako ng paningin sa kanila nang makita sina Cherwin at Arjie na papalapit sa akin. Silang dalawa ang sumigaw kanina.

"Omg! Zell! I'm s-sorry..." Naiiyak na ani Arjie habang naglalabas ng panyo.

"S-Sana tinext ka nalang namin p-para m-malaman mo..." Si Cherwin din na naiiyak.

Umiling ako at kinuha ang nilahad na panyo ni Arjie. Tahimik kong pinunasan ang mga braso ko habang ang paligid ay napuno ng tawanan. Lahat sila ay nagtatawanan! Walang pumalya. Halos lahat ay tuwang-tuwa at naka video pa!

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon