CHAPTER 38

79.7K 2.3K 346
                                    

★★★

Zell's POV

-----

Nagising ako dahil sa nakakairitang tunog ng aking cellphone. Umaga na at ayoko pa ring bumangon. 10 PM na no'ng maka uwi ako kagabi. Tawanan, kwentuhan, kantahan at kainan lang naman ang nangyari kagabi. 'Yong ibang kaklase namin ay nag inuman pero light lang kaya walang nalasing. Sabay sabay kaming umuwi kagabi ng mga kaibigan ko at medyo na disappoint ako. Medyo!

Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Dapat nga okay lang ako pero parang na bad mood ako kagabi dahil hindi niya ako pinansin! Ako 'yong nag-ayang umuwi dahil hindi niya ako pinansin. Tumitingin siya sa'kin pero hindi niya ako pinansin.

Ugh! What's wrong with me? Dapat okay lang 'yon sa'kin diba? Di ko naman sya gusto, ah? Tsh.

Agad kong dinampot ang cellphone ko. There's an unknown number calling!

"Hello?"

Kumunot ang noo ko dahil walang sumagot.

"Hello?" Ulit ko. Naiinis na ako dahil walang sumasagot. Ano ba 'to? Pinagtritripan ba ako ng caller?!

"Hello? If you don't wanna speak-"

"Hi."

Nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko ang boses na 'yon! Kilala ko! Omygosh! Zell, relax lang. Relax, relax. What the hell?

Hindi agad ako nakapagsalita. Hinintay ko kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"Uhm... I'm sorry last night." Narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga.

"W-Wayne? Ikaw ba 'to?" Tanong ko kahit alam ko namang siya 'to.

Teka nga, paano niya nakuha ang number ko?

"Yes."

"B-Bakit ka tumawag?"

"Because..." Hindi niya natapos ang sasabihin niya.

"Because?"

"I'd like to invite you for a date."

Natahimik ako. Ang kamay ko na nakahawak sa kumot ang kinuyom ko. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Gusto kong bumawi sa 'yo..."

Kahit nagtatampo ako ng kaonting kaonting kaonti ay napangiti ako. Gusto niyang bumawi?

"H-Ha? Ah-" Hindi ko alam ang sasabihin!

Mariin akong napapikit saglit na hinilamos ang mukha gamit ang palad. My cheeks heated more. Biglang nawala nagbago ang ihip ng hangin sa umagang ito!

"Okay..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"Okay. I'll fetch you later. 1 pm," aniya.

"Okay." Pinatay ko na ang tawag. Dali dali akong bumangon sa kama at tinignan ang orasan. Gosh! It's 11:23 am pa lang!

Sinave ko muna ang number ni Wayne sa cellphone ko bago dumiretso sa banyo para maligo. Paglabas ko ay nagbihis agad ako nang ripped fitted jeans, maroon na off shoulder tsaka white rubber shoes. Inayos ko ang sarili ko sa salamin kahit 12:07 pa lang. Ang tagal naman ng oras!

Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso na ako sa kusina para kumain kaso natigilan ako sa nakita.

"Stawnzell, please sit down," salubong ni Mommy habang naka pwesto na sa dining table.

Nasa gilid nya si Daddy. Nasa harapan naman nila si Dean Stewart, my grandfather, at nasa gilid ni Lolo ang mga biological parents ko. Si Mama at Papa.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon