CHAPTER 14

93.3K 3.1K 444
                                    

★ ★ ★

Zell's POV

---

Napaayos agad ako sa pagkakatayo at tumingin sa kaniya. Napahiya ako roon, ah.

"H-Ha?" Nag maang-maangan ako syempre! Nakakahiya kaya!

"Hinahanap mo 'ko?" Nakangiting aniya. Inulit pa talaga?!

"I-Ikaw?" Tsh! Bakit ba ako nauutal? Maang maangan mode: still on.

"Yes, me. Are you looking for me?" Tanong pa ni Wayne habang nakangiti. Inulit niya pa talaga ang tanong niya. Paulit ulit nalang ha!

"Ah hehehe." Napakamot ako sa batok ko. Hindi ko alam ang irarason.

Zell! Asan na ang maang maangan mode mo?!

"So hinahanap mo nga ako?"

"Hindi..." Sagot ko lang. Ngumiwi naman siya at tumango tango.

"Hindi hinahanap pero sinisilip mo ako kanina dyan."

Ay. Nahuli niya ako! Nakakahiya. Napalunok ako at pinapakalma ang sarili sa loob-loob.

"Ha? Hindi ah..." Napahina ang boses ko kasi syempre nandito kami sa loob ng library.

At bakit ba siya nandito? Akala ko ba nagbabasa siya? Ano ba kasing ginagawa niya rito? Tinignan ko yung kamay niya na may dalang libro. Siguro ibabalik niya na ang librong 'yan...

"Really?"

"Hindi," Walang ekspresyong sagot ko. "Mali ka nang iniisip."

Tumango-tango siya, parang kinukumbinsi ang sarili. Napasulyap sjya kaniyang wrist watch at tumingin ulit sa'kin. Ano ba kasing ginagawa ko rito? Dapat umalis na ako dito sa harap niya eh. Nakakahiya. Parang naging limitado ang galaw ko dahil nandyan siya.

"Tara na. Malalate na tayo..."

Tumaas ang kilay ko. Inaaya nya ba ako? Bakit niya ako inaaya? Tumingin ako sa aking magkabilang gilid at sa likod. Wala namang tao maliban sa aming dalawa.

"Ako?" Turo ko sa sarili.

"Yes, you..."

Tumango ako at napalunok. Syempre inaya niya ako dahil magkaklase kami. Saan na utak mo, Zell?

Pinauna niya akong maglakad kaya ramdam kong sumunod siya sa'kin. Well, ang bait naman niya. Isa lang ang masasabi ko, mabait at gwa— isa lang! Mabait lang! Sabi ko nga isa lang eh. And fine, kahit hindi ko man aminin. Kahit sa iba ko pa tanungin, guwapo naman talaga siya.

Nauna na akong lumabas ng library. Gusto kong lumingon kung sumusunod ba siya pero parang hindi ko kaya. Masisiguro ko rin na nasa likod ko siya dahil maraming nagtitinginan sa may bandang likuran ko habang kinikilig. Kilig na kilig talaga yung mga babae ha.

Pagdating ko sa room ay umupo agad ako sa upuan. Taas-baba ang aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako hinihingal.

Mabilis na nag umpisa ang klase namin. Buong klase namin ay dinadamdam ko talaga ang math. Hindi ko kaya! Hirap na hirap talaga ako sa subject na 'to.

Lumipas ang ilang oras ay uwian na namin. Nauna na si Axiesse palabas sumunod naman kami dahil lumabas na rin ang T4. Pasimple siyang pumunta sa mga kotse ng T4 at may kung anong dinikit doon sa ilalim. Hindi ko alam kung ano pero nasisiguro kong abala na naman si Axiesse mamaya dahil may kung ano na naman siguro siyang gagawin kasama ang laptop niya.

"Hala! Punta muna akong locker," Paalam ko sa mga kaibigan ko. May nakalimutan pala ako!

"Nakapagsalita ka nga, ang tipid naman!" Ayan na naman si Sasha. "Pero okay lang, at least nagsalita diba. Hindi napanis ang laway."

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now